Pagkaalis namin ng reception ay dumiretso na kami ni Lawrence sa aming suite. Pagkapalit namin ng damit ay sabay kaming naidlip. Masyado talaga kaming napagod sa araw na ito. Our family requested us to have dinner with them that night. Mamamalagi pa raw sila ng tatlong araw sa Tagaytay bago bumalik ng Maynila. On the other hand, madaling araw naman ang alis namin bukas ni Lawrence papuntang NAIA para sa one week honeymoon vacation trip namin sa Paris, France. Pinauna na niya akong mag-shower kaya naman nakabihis na ako ngayon ng isang dilaw na drop waist dress. Naghihintay na ang aming pamilya sa isang fine dining restaurant ng Eminence Hotel. It was already seven in the evening. Naagaw ang pansin ko sa pagtunog ng aking cellphone. Agad kong sinagot ang tawag. Pangalan ni Donna ang nag-

