Mabilis akong nag-iwas ng tingin nang magtama ang mga mata naming dalawa ni Dylan. Alam kong masyado akong magmu-mukhang bitter sa paningin ng lahat kung hanggang ngayon ay hindi pa rin ako matututong makipag-kaswalan kina Dylan at Monique. I guess, hindi ko lang din talaga kayang dayain ang sarili ko. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin talaga kayang makipag-kaibigan sa kanilang dalawa. Umiwas na lang ako na makasalamuha pa ang dalawa sa buong gabi na 'yon. "Grabe 'to, may CEO lang ang hina na uminom! Umabot ba sa lalamunan mo 'yong huling tagay mo kanina?" pang-aasar sa akin ni Alice na mukhang tinatamaan na ng labis na pagkalasing. Langhap na langhap ko ang matapang na amoy ng alak mula sa kanyang hininga. Puro hard drinks naman kasi ang iniinom nilang lahat dito sa table namin kahit n

