ISANG KOTSE naman ang naghihintay sa labas ng Gate ng Mansion ng mga Del Valle. Ang sakay nito ay nagmamanman sa paligid at pinag-aaralan din nito ang lugar. Maya-maya pa'y umalis na rin ang kotse at tuloyang lumabas sa loob ng Subdivision. "Follow me inside and we'll talk." wika ni Mr. Del Valle kay Dylan at saka naglakad papasok sa loob ng bahay. Sumunod lang si Dylan sa ama ni Jasmine, kinakabahan man siya ngayon ay kailangan niyang harapin ito, alang-alang sa kanyang asawa. Gusto din patunayan ni Dylan ang kanyang sarili na mahal niya si Jasmine, kaya lahat ay gagawin niya para sa kanyang mahal. "Sit down!" wika ni Mr. Del Valle, at itinuro pa nito ang upuan sa harapan ng kanyang Office Desk, saka umupo sa kanyang Swivel Chair. Umupo din si Dylan at nagpa salamat pa ito sa ginoo.

