BAGO sila umuwi ay umakyat muna sila sa dating bahay nilang mag-asawa. Kumuha ng ilang gamit si Dylan upang dalhin sa bahay nila Jasmine. Nagtaka naman si Jasmine, dahil walang ipinag bago ang loob ng kanilang dating bahay. Ang buong building ay nagbago na, dahil naging limang palapag na ito. Ang Restaurant sa ibaba ay napaka ganda na rin at pang World Class na ang Concept nito. Lahat ng gamit ay moderno, pero ang dating bahay nila ay nanatili sa kanyang ayos. "Alam mo bang hindi ko pinabago itong bahay natin, dahil ayaw kong mawala din pati ang ala-ala mo dito? kapag nandito ako sa bahay, parang kasama pa rin kita, Love. Dito lang ako napapanatag kapag sobrang stress ko na sa trabaho. Dahil lahat ng sulok ng bahay natin ay nagpapa alala sa akin sa ating dalawa." wika ni Dylan, habang

