Chapter 2

1097 Words
Chapter 2 Yabag ng mga paa ko ang naririnig ko habang tumatakbo sa hallway ng ospital. Alam ko na ang room number ni Tatay ngunit ‘di ko pa rin makita-kita. Natotorete na ako sa mga nangyayari lalo na ngayon at inatake na naman si Tatay. Ang sabi pa naman ng doktor ay delikado na kung atakihin na naman siya. Nang mahanap ko ang room number na sinabi ng nurse kanina sa first floor ay walang pag-aatubiling binuksan ko ang pinto. Tumambad sa akin si Tatay na nakahiga sa hospital bed, nakapikit, may suero sa braso, at may oxygen tank sa tabi. Sa may upuan na malapit kay Tatay ay nandoon si Nanay na umiiyak habang pinapatahan ni Zander na namumula na rin ang mga mata. “Nay, anong nangyari?” tanong ko kahit obvious na ang kasagutan. Lumapit ako sa kanila at yumakap. Ang makita mo ang mga mahal mo sa buhay na nasasaktan at nahihirapan ay parang kutsilyo na nakatarak sa dibdib na hindi maalis-malis. Sinabi ni Nanay na inatake raw si Tatay habang nanonood ng TV. Napasinghap ako. Kahit pala nakahiga o nakaupo ka lang maghapon ay posible pa rin na atakihin ka sa puso. “Kailangan na raw maoperahan ang tatay mo pero saan tayo kukuha ng limampung libo para maoperahan siya? Kahit mangutang ako sa lahat ng kakilala ko ay kulang iyon. Ayoko pang mamatay ang tatay n’yo. Nawala na nga ang panganay kong anak pati ba naman ang tatay n’yo ay mawawala pa sa akin.” Gusto ko na rin maiyak sa mga sinasabi ni Nanay ngunit kailangan kong tatagana dahil ako ang tumatayong panganay sa amin ni Zander. Walang magagawa ang pag-iyak sa ganitong sitwasyon. “Gagawa po ako ng paraan. Hindi natin papabayaan si Tatay. Maooperahan si Tatay. Huwag kang mag-alala, ‘Nay. Gagaling siya.” Pinakalma ko si Nanay kahit ang utak ko mismo ang hindi kalmado at hindi ko maiwasan na hindi mag-isip ng kung ano-ano. Saan naman ako kukuha ng ganoong kalaking halaga lalo na’t wala naman akong kaibigan at sampung libo lang ang suweldo ko sa isang buwan. Basta gagawin ko ang lahat para maipagamot si Tatay. Si Tatay ang nagpaaral at naging sandigan ng buong pamilya namin. Si Tatay ang nahirapan noon para pag-aralin kami at ngayong siya naman ang kailangan ng tulong namin ay hinding-hindi ko siya pababayaan. *** Hindi ko alam kung tama ba ang naging desisyon ko at nakatayo ako sa tapat ng kapatid ni Tatay na nagpaalis sa amin sa dati naming bahay. Maganda ang trabaho ng asawa at mga anak niya. May bakery rin siyang ipinatayo sa lupa kung saan giniba ang dati naming bahay. Siya lamang ang makakatulong kay Tatay. Kumatok ako ng tatlong beses. May kung anong barado sa lalamunan ko pagkatapos kong kumatok. Nakarinig ako ng mga yabag ng paa papalapit sa may pinto. Nang nagbukas ito ay ang tiyahin kong kaliligo pa lamang ang tumambad. “Oh, bakit napunta ka rito? Manghihingi ka ng pera, ‘no? Napakataas kasi ng pride ng pamilya mo tapos ngayon manghihingi ka ng pera sa’kin.” Mayumi akong tumango. “Para lang naman po ito kay Tatay,” walang enerhiya na sabi ko. “Para lang po maipagamot siya. Inatake na naman kasi siya at kailangan niyang maoperahan. Hihingi lang kami ng kaunting tulong para may maidagdag sa opera niya.” “Aba, buhay pa pala ang tatay mo,” sabi niya na parang hindi siya nakatatandang kapatid ng tatay ko. Anong klaseng kapatid ang gaya niya na walang puso at pag-ibig man lang. “Wala, wala akong pera. Umalis ka na dahil ‘di kita matutulungan.” Itinulak-tulak niya ako gamit ang kaniyang mamasa-masang kamay. Nanatili ako sa kinatatayuan ko at binilog ang aking kamao. Muli niya akong itinulak at hindi ko na napigila nang sarili ko na hawakan nang mahigpit ang kaniyang buhok at sabunutan. “Hindi sana aatakihin si Tatay kung ‘di ka lang sobrang sama. Sa tatay ko ipinamana ang kinatatayuan ng bakery mo ngayon at dahil napakasama mo, inangkin mo at ginamit ang yaman mo para makuha ‘yon. May bahay pa sana kami at hindi magkakasakit ang tatay ko! Mamatay ka ng hayop ka!” Hindi ko na napigilan ang sarili ko hanggang sa bitawan ko siya. Muli siyang ngumisi sa akin na parang kulang pa ang p*******t na ginawa ko sa kaniya. Nakakakulo ng dugo ang ginawa niya sa pamilya ko. Wala siyang puso, wala siyang konsensya. “Mauunang mamatay ang tatay mo! Umalis ka na bago pa ako tumawag ng pulis.” Nakabilog ang mga kamao ko nang talikuran siya at padabog na umalis. Bakit ganoon ang mga tao sa mundo? Bakit kailangan pa namin na maghirap ng gan’to? Bakit kailangan pang magkasakit ni Tatay? Hindi ko alam kung bakit ako napunta sa plaza. Para nakawan ang mga dumadaan? Para kumain ng makakain sa kalye para malabanan ang gutom ko? O para huminga mula sa mapait na katotohanan ng buhay. May makulay na malaking tent sa plaza kung saan nakapila ang mga babae dito sa amin. Lumapit ako ro’n habang nagpupunas ng pawis na tumatagaktak sa aking mukha hanggang sa aking leeg. “Anong meron d’yan?” tanong ko sa babaeng nasa pinakadulo ng pila. Abot-tainga ang kaniyang mga ngiti at para na siyang geisha sa puti ng mukha niya. Hindi naman niya ikinaganda iyon, mas maganda pa siguro siya kung natural ang kaniyang mukha at hindi punong-puno ng foundation. “Hindi mo ba nabalitaan na si George Santelmo na may-ari ng isa sa pinakamalaking kumpanya dito ay bansa ay naghahanap ng mga babae na maaring mapangsawa ang kaniyang anak. Isipin mo na sobrang gwapo ng anak niya ta’s mayaman pa.” Parang nananaginip sa ibabaw ng mga ulap ang babaeng kausap ko. Pantasya ang iniisip niya. Kung gwapo nga ang anak nito ni Santelmo ay madali itong makakahanap ng de-kalidad na mayamang babae at hindi na kinakailangan pang magpasimula ng game show. Pinanood ko ang mga kasali. Nagtatagisan sila ng ganda at pagsagot ngunit tila walang pumasa sa taste noong hurado nila. Ewan ko ba kung bakit kailangan ko pang manood dito. Mukhang walang taga-bayan namin ang makakapasok sa game show na iyon. Halos pare-parehas lang kasi sila ng isinasagot at halatang saulo nila. Ganito ang mga gusto kong portion sa classroom noong high schoo. Iyong mga tanungan na ang isasagot mo ay ang isinisigaw ng iyong puso. Kaya ako nasasabihan ng pabida noon dahil sa pagsagot-sagot ko sa mga ganiyan. Natapos nnag mag-audition ang nasa dulo ng pila at aalis na sana ako nang may sumitsit sa akin. Iyong baklang hurado. “Ikaw ba? Hindi ka ba mag-o-audition?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD