"Yes" sabi ko nang mabili kona ang lahat ng kailangan ko, sobrang sikip pa dito wala pang masakyan pauwi
"Erish?" Nakasalubong ko Yung kapatid nung tinusok ni Daniel
"Hi" bati ko dito
"Hello, ano ang ginagawa mo dito?" tanong nya, hindi nya ba nakikita ang mga Dala ko?
"Bumili lang, mag luluto Kasi ako ng ulam" sagot ko naman, kahit halata naman
"Marunong ka mag luto?" tanong nya
"Ah, oo"
"Pwedeng makikain sainyo? friends na tayo diba?" feeling close lang? matatanggap kopa sana kung sya si marries eh
"ah sige, kaya lang maliit lang ang bahay namin eh, okay lang ba yun sayo?" tanong ko dito, at bigla syang tumawa
"Gagi oy okay lang noh! maliit lang din naman ang bahay namin!" sagot nya at inagaw na Ang mga pinamili ko para ipasok sa mamahaling kotse
"Tara na!"
"ah, sayo to?" tanong ko
"oo bakit?"
"wala"
Nakarating na kami sa bahay, kasama ko itong feeling close na makapal ang muka na lalakeng to! kung wala lang talagang atraso ang kapatid ko sa kapatid nya naku!
"ah, upo kana, pasensya kana ah medyo magulo" inayos ko Ang uupuan nya at nag tungo na sa kusina para mag luto
"ate bakit sya andito?" tanong ni Daniel na mukang natatakot na
"sino sya?" tanong naman ni Nathalie
"hala pagbabayarin nya ga tayo?" dagdag pa ni uno
"Mga baliw, makikikain lang daw yan" sagot ko habang inaayos ang mga lulutuin
"hi" bati ni Nathalie dun sa lalakeng Hanggang ngayon hindi kopa alam ang pangalan, oo nga pala noh?
"hello bibi, ano name mo?" tanong nya, nakangiti pa nga
"Nathalie, ikaw? what is your name kuya" wow ha may pa kuya pang nalalaman to
"secret yon, pero you can call me syb"
"okay kuya syb!" malalaman kolang din naman ang pangalan nya kapag nagkita kami sa school noh
"Do you know how to play Roblox pala?" sana hindi.
"Pa connect sa wifi nyo Erish" walang hiyang sabi ni syb
"Okay, basta mag bayad ka ha" ang mahal kaya mag pa load, atsaka bihira kolang naman paloadan ang wifi kase ayoko naa-adik masyado tong mga kapatid ko sa Roblox Nayan
"Sige, magkano ba?" tanong nya, wow mayaman Naman kasi
"Hinde, joke lang..akina cellphone mo" syempre may hiya pa naman akong natira sa katawan ko noh
"Salamathanks dude! hulog ka ng langit hehehe" adik ba to?
"luto na" agad namang nag takbuhan ang mga kapatid ko para kumain
"hoy hoy hoy! mag hugas muna kayo ng kamay!" utos ko, baka mamaya nanaman Nyan madudumi ang kamay nila
"Wow Shanghai!" kumuha agad ito, walang hiya talaga
"Mag dasal muna tayo" lumingon naman agad ito sa'kin na parang nahihiya, meron pala sya nun?
"Sorry hehe"
*
"Sorry hehe" kahit kailan tanga-tanga talaga tong si Jim
"Ayusin mo yan oh" turo ko sa natabig nyang tubig
"Kamusta na pala kayo nung kalandian mo?" tangina talaga, Mang c-chismis na ngalang Mali Mali pa nasasagap
"Hindi ko nga Yun babae, kulit mo"
"Tara kape" Alok nya, alam kong mcdo nanaman to kaya hindi nako sumama, sawang-sawa nako eh Araw araw naming dalawa kinakain, favorite nya kasi
"Ayaw, may ginagawa pako" tanggi ko dito
"Ha? o'sige..sabi ko nga..sino ba naman Ako diba? I'm just nobody..Sana pinutok nalang ako ni papa sa unan" nag kunwari pa itong umiiyak
"Andrama Neto, Tara na"
Nag pa mcdo na nga kami para mag kape, Napag usapan din namin Yung magaganap na event sa school, kasali kasi kami sa officers at ang section namin ay masyadong Kilala as 'matatalino' daw. Kaya kapag may mga gano'n pati opinyon namin ay kailangan, kahit ang ibang level ay hinihingan din Nila ng opinyon kung sang-ayon ba ipapatupad na event.
"Parang ayaw ko sumali dun"
"Bakit naman? mukang masaya naman sya!" sabi ko
"oo talaga, masaya na sya sa iba."
lah?
*
"Lah? ano nanaman tong pesteng event na'to? ba't pa kase kayo pumayag" reklamo ko kay marries habang nag lalakad kami papuntang Beiley Reads, Andami kona ngang iniisip dadagdag pa 'to, lahat pa ng g10 kasali! gastos to, magagalaw ko nanaman ang ipon ko..
Pag tapos namin ay nag lakad-lakad lang kami kase wala na kaming dapat isipin SANA pero dahil dun sa ball na magaganap, may panibago nanaman! atsaka hoy 1st quarter palang bakit ang aga masyado pabigla naman.
Bulong-Bulungan na sa bawat madadaanan namin na unfair daw kase grade 10 lang ang kasali..edi sana sila nalang nag desisyon. May ibang ganap naman ata sila e, baka di lang nila trip.
Nasa Evrhielle's Garden kami ngayon at talaga namang busog ba busog Ako sa chismis, tsismosa kase tong kaibigan ko na'to. Hindi naman Ako makapag enjoy dahil namo-mroblema ako kung ano ang susuotin! wala pa naman akong matinong damit.
Andami Dami kong naiisip na pwedeng paraan, pero parang mas gusto kodin maranasan bumili para sa sarili ko, yung medyo kamahalan pero sulit.
"Nakikinig kaba?" tanong ni marries dahil napansin nya atang tahimik ako
"Sa Saturday na Yung ball.." panimula ko
"Oo nga tapos Thursday na ngayon! nakaka excite Naman! anong susuotin mo?" sabi na nga ba e
"Yun na nga e, wala." sagot ko
"Samahan kitang mamili gusto mo? wala din akong masusuot e"
"Sige ba! tulungan mo din Ako mag hanap ah!" Salamat naman at makakahinga na'ko nang maluwag
The next day, sinamahan nya talaga akong mamili and yeah medyo mahal yung napili ko nag bawas din ako sa ipon ko, pero feeling ko okay naman sya. Ang pinili ko ung pwede kopang magamit sa susunod na occasion.
Gold na sandal ung kinuha ko flat lang kase baka matumba ako pag nag lakad kung may heels at pwede din magamit pang alis or pag may pupuntahan. Gold din na hair clip ang binili ko and yung dress.
Pag uwi ko sinalubong agad ako ni nath "Patingin ng binili mo ate!" She immediately opened the paper bags na para bang para sakanya ang mga iyon "can I have this clip pag tapos ng ball mo ate? Please" tumango nalang ako dahil hindi naman ako mahilig sa ganon
Sana isayaw nya ako bukas
~