Bumalik na ang bantay at may kasama itong dalawa pang lalaki na mabilis na naglinis sa banyo pagkatapos ay pinalabas na siya. She gave him one last kiss before leaving. Mabigat man sa kalooban, kailangan nila parehong magtiis. Para rin naman sa kanila ito. Lumipas ang ilang araw at hindi pa rin siya pinapayagang bumisita muli sa nobyo. Ang sabi ni Iston ay wala ito sa kondisyon ngayon at may matinding pinagdadaanan. Nag-aalala man, kailangan niyang magtiwala rito. She will patiently wait until they can be together again. Nakasandal siya sa isang puno hindi kalayuan sa bahay na kinaruruonan ni Bangs at malalim ang iniisip nang biglang sumulpot si Airah sa tabi niya. "Namumuti na yung mata mo d'yan a?" anito. "Ate Ai!" Nakangiti siyang bumati rito. "May kailangan po kayo?" "Wala naman.

