Kung gaano siya kasigla at kasayang pumasok sa silid na ito ay ganoon din siya kalungkot at natakot sa napakasamang ibinalita nito. "I'm really sorry. I don't know what exactly happened or how it happened, but, MNA got them before we did. I'm... I'm sorry," Catharina added. Nanlumo ang buong pagkatao niya sa narinig at nag-umpisang bumalik sa ala-ala niya ang mga karanasan sa lugar na iyon, lalo na ang mga banta ni Shane noon. Nag-umpisang lumalim ang bawat paghinga niya na tila kinakapos ng hangin. "Hi-hindi... Hindi pwede. Hi-hindi 'yan totoo," saad niya na parang mabibilaukan. Pagkatapos ay tumayo siya at nanginginig ang kamay na yumakap sa sarili. "Lesle—" "Ate Cath, ka-kailangan natin silang ilagtas. Masamang tao si Dr. Shane at wala s'yang awa! Nakita ko kung gaano sila kawalang

