Lesley took the deepest breath she could before opening the notorious red door to the room of the hospital's infamous patient, V-03. Habang unti-unting bumubukas iyong pinto, ganoon din ang pagbilis ng t***k ng puso niya.
Hindi siya sigurado kung ano ang aasahan niyang mangyari sa kaniya ngayong araw, pero wala naman siyang pagpipilian. Kailangan niyang maging matapang. Pumikit siya at kinalma ang isipan, pagkatapos ay pumasok na siya.
Muling bumalik sa ala-ala niya ang lahat ng sinabi sa kaniya kanina ni Mrs. Dapit nang magkita sila sa opisina nito. Mrs. Dapit said all the scary things possible that might happen to her in this place. Hindi talaga ito masaya sa pagbabalik niya.
Pero hindi lang ang masungit niyang bisor ang pinoproblema niya. She is wearing a short pencil cut white skirt and a white polo that is very fit. Alam niyang sinadya ito ni Mrs. Dapit para pahirapan siya. Pinagtinginan tuloy siya ng mga lalaki sa bawat pasilyong nadaanan niya. Titiisin na lang niya ito alang-alang sa ina.
Muli siyang huminga ng malalim tapos ay hinanap kung nasaang sulok ng silid sumuksok ang aalagaan niya. Just like last time, he is sitting quietly at the left corner of the room, watching her every move with his raven eyes.
Hinila niya pababa ang maiksi niyang palda na umaangat sa bawat hakbang niya. She remembered how he looked at her legs last time.
"Ahem!"
She forced a smile.
"Hi!" bati niya nang makarating na siya sa gitna ng silid pero hindi ito kumibo, tila bingi sa paligid.
"Uhm, ipagluluto na muna kita, okay?" aniya habang nakaturo sa maliit na kusina.
Hindi pa rin ito sumagot. Tahimik lang itong nagmamasid sa kaniya.
Creepy naman...
Bumuntong hininga siya bago niya ito tinalikuran. Hindi na lang niya ito masyadong papansinin. She will just focus on her tasks. Inumpisahan na niya ang pagluluto. Iyon ang una sa listahan ng 'To-Do ' list na ibinigay sa kaniya kanina ni Mrs. Dapit kasama ng unipormeng suot niya ngayon, ID at susi sa locker niya.
The instruction was to cook him a chicken rice soup. There is a recipe included with the list so it was easy for her to prepare it. Sumandok siya ng isang puswelo at binitbit ito papuntang lamesa na nasa isang sulok.
"Paano ko kaya ibibigay 'to? Wala namang nakasulat kung paano." Pumamewang siya. "Hindi naman pwedeng iabot ko lang. Baka sakmalin niya ako. Hindi rin pwedeng iwan ko lang sa sahig. Mukhang wala siyang balak gumalaw doon sa sulok," patuloy niyang pagkausap sa sarili.
Kagat niya ang ibabang labi habang mariing nakatitig sa lalaki. Paano nga ba?
She snapped her fingers when an idea came. She took the floor mop from the drawer and placed the food on the floor. Gamit ang dulong hawakan nitong mop, dahan-dahan niyang itinulak ang puswelo papasok sa loob ng dilaw na linya.
"Yes!" ipit na tili niya nang matagumpay niyang ipwesto ang pagkain sa harapan nito. "Sige na! Kain ka na! Promise masarap 'yan!" tuwang-tuwa niyang paanyaya.
Dalawang segundo lang nitong tinignan iyong pagkain saka tumingin na ulit sa kaniya. Naghintay pa siya ng ilang segundo para pulutin nito iyong puswelo pero hindi nito iyon pinansin.
"Sige na kainin mo na 'yan. H'wag ka na mahiya," giit niya pero hindi ito kumibo.
He's back on staring at her. Agad na nawala ang ngiti niya at kumunot ang noo niya.
Bakit ayaw niyang kainin? May mali ba sa ginawa ko?
She looked at the recipe again. Baka may nakalimutan siyang ihalo o gawin pero matapos niya itong muling basahin ng ilang ulit, nakasisiguro siyang nagawa niya ang lahat ng nakasulat dito. Siguro ay wala lang itong gana o may nagawa siyang mali habang pinapanood nito siyang magluto.
Napalunok siya nang maalala ang isa sa mga bilin ni Mrs. Dapit. She said, she can't move to the next task if she is not finished with the current and she can't go home until she finished all.
Halos malukot niya ang papel na hawak. Hindi siya maaaring mag-overtime. Kailangan niyang magawa lahat ng task sa takdang oras ngayong gabi. May pasok pa siya ng maaga sa school bukas kaya hindi siya dapat magtagal dito. Kailangan nitong kumain.
Her eyes were begging when she looked at him. Wala na siyang maisip na gawin kung hindi ang makiusap. Pero makikinig kaya ito? Simula nang tumapak siya rito sa silid ay hindi ito umiimik.
Mahigpit siyang kumapit sa floor mop na hawak upang humugot ng lakas ng loob. Sana makuha ito sa pakiusap.
"Ano'ng problema? Busog ka ba? Kanina ka pa hindi kumakain 'diba? Sigurado akong nagugutom ka na kaya kunin mo na 'yan. "
Matamis niya itong nginitian at tinuro iyong pagkain sa harapan nito.
"Sige na pulutin mo na 'yan. Masarap 'yan! Promise! Ginalingan ko ng sobra yung pagluto ko d'yan para sa'yo."
No response from him again. Napakagat siya sa labi.
"Ano pa ang hinihintay mo? Sige na kainin mo na 'yan. H'wag ka na mahiya. Saka para makabawi ka ng lakas. Alam kong nakakapagod ang buong araw na pagkaladkad mo d'yan sa mga kadena mo," pangungulit pa niya pero parang lumabas lang sa kabilang tenga nito ang lahat ng sinabi niya.
She tried begging him a few more times but he didn't even bat an eye. Lahat na yata ng pang-u-uto ay nagawa at nasabi na niya pero bigo pa rin siya. Gusto na niya itong sigawan. Malapit nang maubos ang kaniyang pasensya.
Ibinalik niya ang floor mop sa lagayan at mabibigat ang mga hakbang na bumalik sa harap nito. Malalalim ang bawat paghinga niya na iniipon ang natitirang pasensya na mayroon siya.
"V-03, kainin mo na 'yan." Madiin na ang bawat salita niya. "Para sa'yo rin naman 'yan," giit niya pero wala pa rin itong imik.
She bit her lower lip again. Naiinis na talaga siya.
"Bakit ba ayaw mo kainin?! Marami pa akong gagawin, V-03. At hindi ako makakauwi nang hindi ko natatapos lahat ng tasks ko! Hindi ako pwedeng magtagal dito kaya huwag mo na akong pahirapan! Kainin mo na 'yan!" halos pasigaw na niyang sabi pero wala pa rin epekto.