Parang sasabog na ang dibdib ni Lesley sa kaba habang nakatitig sa mga mata ng kasintahan na ngayon ay naging kulay abo na. Kabisado na niya ang binata. Nagbabago ang kulay ng mga mata nito kapag nakakaramdam ng matinding emosyon at alam niya kung anong klaseng emosyon iyon. Humakbang ito palapit at pinag-isang dangkal ang pagitan ng mukha nila. "Lesley, ikaw ang nagsimula nito kaya hindi ka pwedeng umatras." Napalunok siya sa titig nitong tila tumatagos sa kaniyang kaluluwa. "B-bakit naman ako aatras? Hawak lang naman sinabi ko, 'diba?" Umangat ang isang sulok ng labi nito. Sigurado siyang may kapilyuhan na naman itong naiisip na dumagdag sa kaba niya. But at the same time, it made her curious and excited. Bumaba ang tingin nito sa labi niya. She is anticipating his lips to touch

