Hindi na matiis ni Lesley ang nobyo na naliligo na sa sariling pawis at tila hihimatayin na sa putla ng mukha. Nakayuko lang ito at pagewang-gewang ang lakad. Pansin din niya ang tila kapos at malalalim nitong paghinga. Tumigil siya sa paglalakad at hinawakan ito sa braso saka pinagtama ang tingin nila. "Bangs, huwag mo pilitin kung hindi mo na kayang maglakad. Pwede naman tayong magpahinga na muna sandali," nag-aalala niyang sabi tapos ay lumingon sa isa pa nilang kasama. "'Diba, Kuya Dan?" "Oo naman," ani Dan. "Kaysa bumigay ang katawan mo, Sir Kieran. Malilintikan ako kay Boss kapag may nangyari sa'yo." "H-hindi. K-kaya ko pa," pagmamatigas nito. Pinaningkitan niya ito ng mata. "H'wag ka na makulit, Bangs. Alam kong hindi na kaya ng katawan mo. Saka, pagod na rin ako kaya magpahinga

