Iniling niya ang ulo para isantabi muna ang mga pagdududa niya. She has to focus on their plan first. Saka na lang niya kukulitin si Jacoben ng mga tanong kapag natapos na sila sa kanilang misyon. Masyadong importante itong gagawin nila para matuon ang atensyon niya sa ibang bagay. Pagkarating nila sa opisina, binilinan nito ang sekretarya na ikansela lahat ng appointment tapos ay sinarado ang pinto. Lumakad ito papuntang desk na nasa gitna ng silid at bahagyang umupo sa ibabaw. Pumamulsa ito at seryosong tumingin sa kaniya. "So, what's your decision?" tanong nito. Hindi na siya nagpaligoy-ligoy. "Pumapayag na akong isalin sa'kin ang dugo ng asawa n'yo." "Are you sure? Because there is no going back once we started." Mabilis siyang tumango. "Pinag-isipan ko 'to ng maraming beses kaya

