"Shoot these vermins and feed their bodies to my pets." Mariing pinikit ni Lesley ang mga mata para hintayin ang pag-ulan ng bala sa kaniyang katawan, pero ilang segundo na ang nakakalipas ay wala pa siyang naririnig na kahit isang putok ng baril. Naramdaman na lang niyang may humawak sa braso niya at hinila siya pataas. She opened her eyes and saw it was Jacoben who is helping her stand. Puno ng pagtataka niyang pinabalik-balik ang tingin kay Jacoben, Shane at sa apat na lalaking nakatitig lang sa kanila. "What is going on here? Why are you letting them stand?! I said shoot them!" Nanlalaki ang mga mata ni Shane na tumuro sa kanila. "Shoot them idiots!" ulit pa nito pero tila bingi ang apat na hindi gumalaw. Ngumisi si Jacoben na ngayon ay nakatayo na ng maayos at pumamulsa. "Don't

