3

2738 Words
Chapter 3 HINDI MAPIGILAN na mapaiyak ni Nikki tuwing maaalala ang huli nilang pinag-usapan ni Nixon. Ibang-iba ang lalaki sa Nixon na nakilala niya noon. Ni minsan ay hindi siya napagbuhatan ng binata. Alagang-alaga siya nito kaya hindi niya maiwasan ma-depress dahil naguguluhan na siya. Mahal niya si Nixon pero hindi siya martyr para hayaan na saktan siya nito. But it's just one time right? Pilit man niyang paniwalain ang sarili ay hindi parin maitatanggi na sinaktan siya nito. Natigil siya sa pag-iisip nang may kumatok sa pinto ng unit niya. Is it Nixon? Sa isiping iyon ay kinabahan siya. Paano kung saktan niya ako ulit? Dahan-dahan ay pumunta siya sa pintuan at binuksan iyon at ganun nalang ang pagluwag ng damdamin niya nang malaman na sila Akira at Alrice lang pala ang kumakatok. "Hey, girl! You look pale. You okay?" Mababanaag ang pag-aalala sa tanong ni Alrice ngunit pinili na lamang niyang ngumiti. "By the way, we came here to congratulate you on your first day as a model! Sorry ngayon lang ah? Wala ka bang pasok today?" "Day off." Dahilan niya na lamang upang hindi na ito magtanong pa. Biglang tumabi sa kaniya si Akira kaya nagtaka siya dahil ang seryoso ng mukha nito habang nakatitig sa kaniya. "May pasa ka and your eyes are swollen. Who did that to you?" Tanong nito kaya agad siyang napalayo. s**t, nakalimutan niyang magconcealer! "It's nothing really." Sagot niya tyaka ngumiti upang effective ang kaniyang pagpapalusot ngunit halatang hindi naniniwala ang kaibigan lalo na nang gumatong pa si Alrice na nanggaling sa kusina. "Your cheeks are swollen, Nikki." Saad nito kaya napayuko siya upang hindi na nila makita pa. "Who did that?" Halos sabay na tanong ng dalawa niyang kaibigan. Mukhang wala siyang kawala sa dalawa at kukulitin lamang siya ng mga ito kaya napabuntong-hininga na lamang siya bago sagutin ang mga ito. "N-nixon. But he didn't mean that!" Agad niyang depensa sa kasintahan. Pero ang gulat na ekspresyon ng mga kaibigan ang nagpatunay na hindi nila kailangan ng kaniyang pagtatanggol dahil mababanaag sa mga mukha nila ang galit, gulat at dissapointment. "Why? I mean, Nixon is the sweetest when he's with you." Hindi parin makapaniwalang tanong ni Alrice. Napayuko na lamang siya dahil hindi rin niya sigurado kung magsasalita ba siya. Mukhang napansin naman ng kaniyang mga kaibigan na hindi siya makapagsalita dahil agad nila siyang inakbayan at pinaramdam dito na nandito lang sila para sa kaniya and she's thankful for that. "Spill it, Niks." Engganyo ni Alrice kaya napahinga muna siya nang malalim at nagkwento sa mga kaibigan ang nangyare mula kahapon nang mag-almusal sila ni Nixon hanggang sa pagsampal nito sa kaniya. Nang matapos siyang magkwento ay tahimik parin ang mga kaibigan at parang ang lalim ng iniisip. Si Akira ang unang bumasag ng katahimikan at ang sinabi nito ay halos nagpatigil sa kaniyang paghinga. "Break up with him." Hindi niya alam kung tama ba ang sinabi nito o hindi, kung ang puso ang kaniyang pakikinggan ay siguradong hindi siya makikipaghiwalay sa binata dahil mahal niya ito at sigurado siya na kaya lamang iyon nagawa ng binata dahil sa sobra din nitong pagmamahal sa kaniya. Pero kung ang isip ang kaniyang pakikinggan ay makikipaghiwalay siya kay Nixon dahil mula bata ay naitatak na sa kaniyang isip ng mga magulang na ang mga babae ay hindi dapat sinasaktan kundi ginagalang at kahit sabihin pa na nagawa lang ni Nixon ang saktan siya dahil sa selos at pagmamahal dito ay sinaktan parin siya nito. The end does not justify the means. "Akira's right, Nikki. Hindi tama ang ginawa ni Nixon sa'yo at kahit pa nga boto kami sa kaniya ay hindi namin palalagpasin ang ginawa niya sa'yo. Don't tell me magpapakamartyr ka para sa isang lalaki na sinaktan ka emotionally and physically?" Pangaral ni Alrice. Hindi siya martyr but loving Nixon was the best thing that has ever happened to her at sa mga sandali na yun ay alam na niya ang gagawin. She will do the right thing. "BABE, I'm sorry. I didn't mean to hurt you like that. Forgive me please." Agad na hingi ng tawad ni Nixon nang magkita sila sa paborito nilang cafe, ang Lu'Omorfia Cafe. "Babe, slap me, punch me, hurt me. Gawin mo ang lahat ng gusto mo sa akin, tatanggapin ko. I know it's my fault and this f*****g jealousy. I just love you so damn much and I hope you can forgive me." Dugtong nito at tyaka hinawakan ang kaniyang kamay na agad naman niyang tinanggal. Kitang-kita niya ang sensiridad sa mga sinabi nito sa kaniya ngunit buo na ang kaniyang desisyon at hindi yun pwedeng masira kaya naman sinabi na niya ang pakay niya dito bago pa siya maduwag muli. "Let's break." Halatang natigilan ito sa sinabi niya at parang binuhusan ng malamig na tubig sa sobrang putla ng mukha nito kaya bago pa man ito makabawi ay tumayo na siya at umalis. Nagmamadali siyang sumakay sa kaniyang kotse at pinaharurot iyon sa bar na paborito nilang puntahan na magkakaibigan. Habang nagmamaneho ay hinahayaan niya lamang na tumulo ang kaniyang mga luha. She's in pain right now and nothing can ease the pain except the alcohol... I hope. Nang makarating sa bar ay dumeretso siya agad sa isa sa mga stool sa bar counter at um-order ng kaniyang paboritong inumin. "One mojito please." Agad namang tumalima ang bartender sa kaniyang order at nang dumating ito ay agad niyang tinungga iyon at um-order muli ng isa pa. "SORRY, miss." Hingi ng tawad ng isang lalaki nang mabunggo siya habang naglalakad papuntang parking kung saan nakaparada ang bagong kotse niya na binili ng kaniyang ama. Humingi din siya ng tawad at nagpatuloy sa paglalakad kahit wala siyang halos makita sa kaniyang dinaraanan dahil sa dami ng libro at ibang mga gamit na kaniyang dala. f*****g projects. Nagulat nalang siya nang biglang gumaan ang kaniyang mga dala at nakikita na niya ang daanan. Kinuha pala ng lalaki ang halos lahat ng kaniyang dala. "Hindi dapat nagbubuhat ng mabibigat na bagay ang mga babae. I'm Nixon by the way, same class tayo sa isang subject." Pagpapakilala ng lalaki at natigilan siya nang makita na sobrang gwapo nito. Paano niya hindi napansin ang ganito ka gwapong lalaki and to think na magkaklase pala sila. "I'm Nikki. Nice meeting you." Nahihiya niyang pakilala. Nakakahiya dahil pinagdala pa niya ito ng kaniyang mga gamit at alam niya na mabigat iyon pero kung dalhin ito ng lalaki ay parang wala lang ito sa kaniya at ni-hindi man lang ito pinagpapawisan dahil nakangiti pa nga ito. "You're really beautiful, specially when you're cheeks are blushing." Sambit ng binata at nagpatuloy sa paglalakad habang siya ay natigilan at pakiramdam niya ay may apoy na ang pisngi niya sa sobrang pag-iinit nito. NAPAILING na lamang siya nang maalala ang una nilang pag-uusap ni Nixon. Oorder pa sana siyang muli ngunit naramdaman niya ang pag-ikot ng kaniyang paligid senyales na lasing na nga siya. May pasok siya bukas sa agency na pinagtatrabahuan niya bilang model kaya hindi siya dapat malasing nang todo dahil tiyak na malala ang kaniyang hangover. Naisipan na niyang tumayo at umuwi at kahit nahihilo ay pinilit niyang maglakad nang deretso papuntang labas ng bar at dumiretso siya sa parking lot. Nang makalapit sa sasakyan ay pinasok niya ang susi sa key hole at dahil nagdadalawa ang kaniyang paningin ay hindi niya ito mapasok nang maayos. Gusto niya sanang magsuka pero mas gusto niyang umuwi na at matulog. Nakaheels siya kaya halos hindi na din siya makaayos ng tayo. She's a mess. Nais niyang tumawa sa naisip. Siya itong nakipaghiwalay pero mukhang siya pa ang mas miserable sa kanilang dalawa. Pathetic. Dahil sa sobrang hilo ay muntik na siyang mabuwal nang may matitipunong braso ang sumalo sa kaniya at walang kahirap-hirap siyang binuhat. The man smells familiar. Inaantok na siya at nais na niyang magpahinga pero nagawa niyang makapagtanong sa pamilyar na lalaki. "Where are we going?" Matagal bago makasagot ang lalaki at nang magsalita ito ay nakumpirma niya na kilala niya ang taong may buhat sa kaniya ngayon at hindi man niya aminin, medyo napanatag ang kaniyang loob. Hindi na niya napakinggan ang sagot ni Nixon dahil tuluyan na siyang nakatulog. Not knowing that the man she trusts is full of demonic ideas at that moment. "We're going to a place where no one can find us and no one can take you away from me. Hindi mo ako pwedeng iwan. You won't leave me until I said so because you're mine. Only mine." -END OF CHAPTER 3- Chapter 4 NAALIMPUNGATAN si Nikki nang maramdaman niya na may nakatitig sa kaniya at hindi nga siya nagkakamali dahil nang magmulat siya ng mata ay nasa isang napakalambot na kama na siya at nasa isang hindi pamilyar na kwarto at nang dumako ang mata niya sa sofa hindi kalayuan sa kama ay nakita niya si Nixon na matamang nakatitig sa kaniya kaya agad siyang napabalikwas ng bangon. Anong ginagawa niya sa iisang kwarto kasama ang ex niya? Ang natatandaan niya ay pagkatapos niyang makipag-break sa binata ay dumiretso siya sa bar na madalas nilang pagtambayan ng mga kaibigan at doon ay nalasing siya, pero ang natatandaan niya ay nakalapit pa siya sa kaniyang sasakyan. Anong nangyare? "Are you done reminiscing what happened?" Tanong ni Nixon na hanggang ngayon ay prente parin na nakaupo sa sofa at nakatitig sa kaniya habang may ngisi sa mga labi pero makikitaan ng kaseryosohan kung mapapatingin sa mga mata nito. Para itong isang mabangis na hayop na binabantayan ang hapunan nito na mawalan ng depensa at ang kawawang hapunan na yun ay siya. "Bakit ako nandito? Nasaan ako?!" Tarantang tanong niya at hindi niya mapigilan na mataranta nang makarinig ng waves na parang nanggagaling sa dagat. Akmang tatayo siya upang kumpirmahin ang hinala ngunit nakatali pala ang kaniyang dalawang kamay at paa na pumipigil sa kaniya sa paggalaw. Sinubukan niyang tanggalin ito gamit ang paghila sa kamay niya ngunit masyadong mahigpit ang pagkakatali dito. "Don't waste your strenght. Kahit anong gawin mo ay hindi ka makakaalis diyan so I suggest, be a good girl kung gusto mong kalasin ko ang pagkakatali sa'yo." Sabi ni Nixon bago tumayo at lumapit sa kamang kinahihigaan niya kaya agad siyang napaupo at pinilit ang sarili na makaiwas dito. Muntik na siyang mapasigaw nang hawakan nito ang kaniyang pisngi. Akala niya ay sasampalin siya nito muli pero masuyo lang na hinawakan ng binata ang kaniyang pisngi at parang takot na takot itong masaktan siya. Kabaligtaran sa Nixon na sumampal sa kaniya noong isang araw lamang at sa hindi malamang kadahilanan ay agad siyang kumalma at naging kumportable agad ang kaniyang lagay sa binata. "Why did you have to tie me like this Nixon?" Naghihinakit niyang tanong sa binata. Para namang natigilan ang lalaki at agad na humiwalay sa kaniya. "M-magaling na ako. M-magaling na ako." Paulit-ulit nitong sinasabi sa sarili habang sinasabunutan ang sarili at pabalik-balik sa paglalakad. Bigla naman itong huminto at nanlilisik ang mata na bumaling sa kaniya kaya todo-todo ang kaniyang kaba nang bigla itong lumapit sa kamang kaniyang kinahihigaan at bigla siyang sinakal. Sobrang higpit ng pagkakasakal nito sa kaniya na pakiramdam niya ay mawawalan na siya ng malay. "THIS IS ALL YOUR FAULT!" Sigaw ni Nixon at kitang kita niya na nangigigil ito base na din sa ugat na lumalabas sa sintido nito. Hindi siya makapalag sa pagkakasakal nito dahil sa higpit ng pagkakatali nito sa kaniya kaya wala siyang nagawa kundi ang umiyak habang sinasakal ng lalaking kaniyang minamahal. "N-Nixon..." Halos pabulong niyang sambit. Nanlalabo na ang kaniyang paningin at nanghihina na siya nang biglang bitawan ng binata ang kaniyang leeg at parang napaso na biglang napalayo sa kaniya habang nanlalaki ang mata at parang hindi makapaniwala sa nagawa. "B-baby, I-I didn't mean to-- s**t. I'm sorry. I'm sorry." Natataranta nitong sabi habang siya ay ubo nang ubo habang nakahiga at pilit pinapakalma ang kaniyang puso na sobrang bilis ng t***k pero hindi nakaligtas sa kaniyang pandinig ang pagkabasag ng boses ng lalaki kaya agad siyang napataas ng tingin at parang natigil siya sa paghinga nang makita si Nixon na nakatitig sa kaniya at tahimik na umiiyak. Kitang-kita ang pagsisisi sa mga mata nito at parang mas lalo siyang nanghina sa nakikita. "Ano bang nangyayare sa'yo Nixon?" Tanong niya at hindi niya napigilan na mapaiyak muli nang maalala ang pagsakal nito sa kaniyang leeg. "I can't tell you. I can't. Alam kong iiwan mo din ako. Iiwan mo din ako tulad nila." Sagot nito tyaka pinunasan ang luha habang nagmamadaling lumabas sa kwarto na iyon. Nais niya sanang sundan ang binata pero nakatali siya at limitado lamang ang nagagawa niyang galaw. "I can't tell you. I can't. Alam kong iiwan mo din ako. Iiwan mo din ako tulad nila." "I can't tell you. I can't. Alam kong iiwan mo din ako. Iiwan mo din ako tulad nila." "I can't tell you. I can't. Alam kong iiwan mo din ako. Iiwan mo din ako tulad nila." Anong ibig-sabihin nito sa sinabi nito kanina? May hindi ba siya alam sa dating kasintahan? MARAHAS na nasabunutan ni Nixon ang sarili nang makalabas sa kwarto ng dalaga. No, I can't lose her too. Hindi ko kakayanin. Dinala niya ang dalaga sa lugar na ito upang magkaroon sila ng oras na magkasama at hindi para ipakita sa dalaga ang totoong siya. Hindi pa sa ngayon. Dumiretso siya sa mini-bar ng kaniyang bahay. Nasa Cebu sila ngayon. Nasa binili niyang isla specifically. Kailangan niyang makasigurado na hindi siya matatakasan ni Nikki kaya pinili niya ang sariling isla upang sila lamang dalawa ang nandoon. Agad siyang nagsalin ng alak sa kaniyang shot glass at agad na tinungga. Hindi niya akalain na magagawa niyang mangkidnap ulit lalo na ng kaniyang minamahal. Ngunit sisiguraduhin niya na worth it ang kaniyang ginawa. Kahit anong pumiglas mo ay sisiguruhin ko na sa akin ka parin babagsak at kung sino man ang haharang sa mga plano ko ay hindi ako mangingiming tapusin ang kanilang buhay. Nang maubos niya ang pang-apat na shot niya ay pumunta na siya sa kaniyang kwarto nang madaanan niya ang kwarto ng kasintahan. Para sa kaniya ay kasintahan niya parin ito dahil kahit kailan ay hindi siya pumayag na makipag-hiwalay. Nakabukas nang kaunti ang pinto nito. Hindi niya pala naisara nang mabuti sa pagmamadali niya kanina. Isasara na sana niya nang maayos ang pinto nang marinig niya ang mahihinang hikbi nito. Umiiyak siya. Parang biglang nanikip ang dibdib niya sa isiping napaiyak niya na naman ang dalaga. Ang mga luha nito ang kahinaan niya mula pa noon. Naalala niya na naman ang nangyare kanina. Kung hindi pa siguro ito umiyak ay baka napatay na niya ang kasintahan. I'm doing this for the both of us. Sinara na niya ang pinto dahil baka hindi niya mapigilan ang sarili at yakapin na niya ang dalaga. Tumuloy na siya sa pagpunta sa kaniyang kwarto at nahiga sa kaniyang kama kahit ang kaniyang nais ay tumabi sa dalaga pero sa sitwasyon nila ngayon, siguradong hindi iyon magugustuhan ni Nikki at baka tuluyan lamang lumayo ang loob nito sa kaniya. ILANG oras na siyang pabiling-biling sa higaan pero hindi parin siya madalaw ng antok. Paulit-ulit na umuukilkil sa kaniyang utak ang pag-iyak ng dalaga at parang nasu-suffocate siya dahil dito. Nang hindi na niya nakayanan ay bumangon siya at lumabas ng kaniyang kwarto upang puntahan si Nikki. Nang madaanan niya ang malaking orasan sa kaniyang bahay ay alas-dos na pala ng madaling araw. Agad siyang pumasok sa kwarto na inu-okopa ng dalaga at nang makita ang mukha nito ay agad napanatag ang kaniyang kalooban. Nikki's effect on me is no joke. Napakunot ang kaniyang noo nang mapansin na kahit mapayapa ang mukha ng dalaga ay parang hindi parin ito kumportable. Marahil siguro dahil nakatali ang mga paa't kamay nito kaya agad niyang kinalas ang pagkakatali dito. Ila-lock nalang niya ang mga pintuan pagkalabas niya upang hindi ito makatakas kung sakaling magising ito. Humiga siya sa tabi nito at hinaplos ang magandang mukha ng kasintahan na laging nagpapabaliw sa kaniya sa selos tuwing may tumititig na iba. Ngayon ay hindi na niya kailangan pang magselos dahil wala nang ibang makakakita pa sa dalaga kundi siya lamang. Hindi niya alam kung ilang oras na siyang nakatitig sa magandang mukha ng dalaga at hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya. Without locking the doors. -END OF CHAPTER 4-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD