Chapter 24 MASAKIT ang buong katawan ni Nikki at kahit nakapikit ay randam niyang madaming nakakabit sa kaniya. Nanghihina siya at nais nalang matulog habang buhay ngunit pinilit niya ang sariling idilat ang mga mata. Unang sumalubong sa kaniya ay ang puting kisame at puting dingding. Tingin niya ay nasa isa siyang ospital. Pilit niyang inalala kung bakit at paano siya napunta dito nang maramdaman niyang may nakahawak sa kaliwa niyang kamay at nang tignan niya kung ano iyon ay bahagyang nanlaki ang mata niya. Nixon! Mahimbing na natutulog ang binata habang hawak ang mga kamay niya na parang ayaw na itong pakawalan pa. Dahan-dahan ay hinaplos niya ang buhok nito at napatigil lang nang dumako ang kamay niya sa braso niyang humahapdi. Parang gusto niyang maiyak nang makitang sunog ang k

