Laking pasasalamat ni Myle ng parehas sila ng sukat ng damit ni Legina kundi’y matutulog siya na hindi nagpapalit ng damit sa kabila ng ginawa nila buong araw. Seryoso ang ama ni Yaji, ipinatapon siya sa kabilang sulok ng kwarto kung saan nanatili ang binata. Ang akala na hindi makakatulog ay naging kabaliktaran dahil matapos linisin ang katawan, agad hinila ng antok habang nakatalukbong ng makapal na comforter. Pakiramdam niya ay nanatili s’ya sa malaking hotel, bukod sa maulan, ay sobrang lakas rin ng aircon at dahil lumaki sa bundok, hindi alam kung paano pahinaan ay tiniis na lamang ang lamig sa buong magdamag. “Good morning, hija. Nakatulog ka ba ng maayos? Hindi ka ba ginapang ng anak ko habang natutulog?” Tanong ng ama ni Yaji ng makita siyang papasok sa kusina. “Good morning di

