Matapos ang engrandeng celebrasyon ng kaarawan ni Legina ay dumagsa ang order at nagpapagawa sa dalaga. Magmula sa bestida, pantalon, at blusa, lahat iyon ay kanyang tinanggihan upang makapagpahinga ng matagal-tagal matapos ang mahabang paggawa ng gown ni Legina. Tapos na ang masasayang araw, kinakailangan na bumalik sa katotohanan na kailangan kumayod upang mabuhay sa araw-araw. Tahimik at tanging makina lamang ang maririnig na ingay sa buong lugar. Abala at nakatuon ang atensyon ng dalaga sa ginagawa. Samantala ang binata ay seryosong nakikipag-usap sa ina sa kalayuan ng tahanan ng dalaga. Hindi lingid sa kaalaman ng dalawa ang naiwang nakasalang na kawali, na nagpuno ng usok sa kabuohan ng kusina at pagsingaw ng nasusunod na amoy sa buong kabahayan ni Myle. Napahinto si Myle sa pagpa

