Kabanata 8

1313 Words
Narnia's POV Tinulak ko siya paalis sa pintuan para makalabas ako. Pero sa halip na umalis, lalo pa siyang humarang sa daraanan ko, parang tinutukso ako. "Ba't parang ako pa ang masama dito?" usisa niya, nakataas ang kilay. "Ako na nga ang nagligtas, ako pa ngayon ang binabara?" "Una sa lahat, hindi ko naman hiniling na iligtas mo ako, Smith," sagot ko, pilit nilalampasan siya. "At pangalawa, kaya ko ang sarili ko." Tumawa siya, mababa at parang nanunukso. "Talaga? Kaya mo bang labanan ang dalawang lalaking mas malaki sa'yo?" Napahinto ako at humarap sa kanya. "Bakit, ikaw ba si Superman? Gusto mo bigyan kita ng cape?" "Ang kulit mo," aniya, mas seryoso na ang tono. "Ramdam ko kung paano ka kinabahan sa loob. Wag ka nang magpanggap na hindi mo ako kailangan." Napalunok ako. Ibang klaseng lalaki. Hindi ko alam kung dahil ba sa mga salitang binitiwan niya o sa paraan ng pagtitig niya na parang hinuhubaran ako ng kaluluwa. Pero hindi ko hahayaang siya ang may huling salita. "Hindi ko alam ang sinasabi mo, Smith," malamig kong sagot. Tumalikod ako at tuluyang naglakad palabas ng CR. Ngunit bago pa ako tuluyang makalayo, hinila niya ako papasok ulit sa loob nang marinig ko ag tilian sa dance floor at hiyawan at mura mula sa kalalakihan. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at napahawak sa dibdib niya. Pinulupot niya ang isang braso sa bewang ko habang nilock ang pinto ng cr sabay harang nito gamit ang katawan. Tila pinigilan niyang bumukas ang pinto kung sinuman ang maglakas loob na sisira rito. "Anong nangyari sa labas?" Takang tanong ko. "Naalala mo yung kasama ko kanina?" Tanong nito, ang braso nito ay nasa bewang ko pa rin, hinaplos pataas-baba. Tumango ako at pilit di pinansin ang namumuong init sa aking katawan dahil sa ginawa niya. Napailing siya. "Ayun, sumabog ata dahil sa inis at selos. Mukhang nalaman na niya ata na may ex-boyfriend ang kaibigan mo at ang kaagaw niya pa sa racing." Kaibigan ko? Sino sa kanila? Azyl? Clythie? Dyosa? Eh, si Clythie lang naman ang may ex sa tatlong binanggit ko o baka may dumating na iba ko pang kaibigan. Hindi ko lang napansin dahil sa lalaking 'to. "Anong ibig mong sabihin?" tanong ko, pilit inaalis ang braso niya sa bewang ko, pero lalo lang niyang hinigpitan ang kapit. Napatingin ako sa kanya nang may inis, pero parang wala siyang balak bitawan ako. "Simple lang," sagot niya habang may bahagyang ngiti sa labi. "Mukhang nagkagulo sa labas dahil sa ex ng kaibigan mo. At baka mas malala pa kung malaman niyang ikaw ang kasama ko ngayon." Napakunot ang noo ko. "Anong koneksyon ko diyan? At bakit parang kasalanan ko pa?" Tumawa siya, mababa at may bahid ng tukso. "Wala akong sinasabing kasalanan mo. Pero huwag ka munang lumabas. Hayaan mong magkalinawan sa labas." "At ikaw ang magde-decide para sa akin?" tinaasan ko siya ng kilay. "Baka nakakalimutan mo, Smith, wala kang karapatang magdikta sa'kin." Hindi siya sumagot agad. Sa halip, dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya sa akin, sapat lang para maramdaman ko ang init ng hininga niya. "Wala nga. Pero anong gagawin mo kung ayaw kong bitawan ka ngayon?" Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya. Tangina, bakit ba parang mas mahirap siyang labanan ngayon? Pinilit kong ayusin ang boses ko, kahit alam kong nagugulo na ako. "Bitawan mo na ako," madiin kong sabi, pilit pinapakalma ang mabilis kong t***k ng puso. "Ayokong maging bahagi ng kahit anong gulo." Sa halip na sumunod, ngumiti lang siya nang bahagya at tumingin sa akin na parang may binabasa sa mga mata ko. "Kung ganun, hindi ba't mas safe ka dito kasama ko?" "Safe?" Muntik na akong matawa sa sinabi niya. "Sa'yo pa talaga?" "Oo naman." Tumaas ang isang sulok ng labi niya. "Hindi mo pa ba alam? Ako ang pinakaligtas mong pwedeng lapitan... at ang pinakadelikado rin." Napailing ako, pilit na hinahabol ang normal na takbo ng isip ko. "Ano ba talaga ang gusto mo, Smith?" "Simple lang," aniya habang dahan-dahan niyang idinikit ang katawan niya sa akin. Umawang ang labi ko at hindi makapaniwalang tinitigan siya dahil sa uri ng kilos niya. "Siraulo ka ba? Bakit mo hinagod sa puson ko ang alaga mo?! Ano?! Para maramdaman ko ang katigasan mo? Pakialam ko dyan! Bitawan mo ako." Ngunit ang gago, tumawa lang ng malakas kahit sunod-sunod na katok ang narinig namin mula sa labas. Halos lahat ay babae. Nag-alala naman ako pero ang kasama ko walang pakialam sa kanila. "Demonyita pero inosente." Bulong nito pero di ko pinansin. "Bitawan mo ako, Smith!" madiin kong ulit, pilit na kumakawala sa yakap niya. Pero imbes na sumunod, mas lalo pa niyang hinigpitan ang hawak niya sa akin. Halos maramdaman ko na ang mabilis na t***k ng puso ko sa kaba at inis. Tumigil siya sa pagtawa at tumingin sa akin, ang ngiti niya'y parang may bahid ng pang-aasar. "Relax ka lang, bebelabs. Wala akong balak sayo. Gusto ko lang siguraduhin na safe ka dito." "Safe?!" halos mapasigaw ako. "May mga babae na sa labas, naghihintay na makapasok, at eto ka, parang gago na niyayakap ako ng parang sarili mong unan! Ano ba, Eros?!" "Ang init mo, ah." Hinaplos niya ang buhok ko na parang nanunuyo. "Ang cute mo kasi pag galit." "Putangina, hindi ako cute!" sabi ko habang pilit tinutulak ang dibdib niya. "At hindi rin ako natutuwa sa ginagawa mo!" Sa wakas, binitiwan niya ako pero hindi pa rin siya lumayo. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa, ang mga mata niya'y puno ng kapilyuhan. "Okay, okay. Bibitaw na. Pero sabihin mo muna... na-miss mo ako." "Namiss?" halos matawa ako sa sobrang inis. "Ikaw? Tangina, Smith, kahit sa panaginip ayokong makita mukha mo!" Ngunit sa halip na ma-offend, ngumiti lang siya nang mas malapad, parang nagtatagumpay siya sa pang-aasar niya sa akin. "Ouch. Ang sakit naman niyan, mahal. Pero sige na, para hindi na ako bad guy sa paningin mo, papasukin natin sila. Pero, in one condition." Umawang ang labi ko. Walanghiya m! Humirit pa talaga. Anong one condition? "Siraulo ka ba? Anong one condition? Nakuha mo pa talaga mag-in one condition? Nagkakagulo na sa labas." "Edi don't." Napahilamos ako sa mukha dahil sa sobrang inis. Pisteng yawa! Ang sarap niyang ihulog sa tulay. Napasinghap ako ng malalim at pilit na pinakalma ang sarili. "Eros, seryoso ka ba? May oras ka pang magpatawa? Anong condition na naman 'yan?" Ngumiti siya, at may kung anong kislap sa mga mata niya na mas lalong ikinaiinit ng ulo ko. "Simple lang. Bigyan mo ako ng isang hmmm pag-iisipan ko pa pero dapat pumayag ka." "Ano?!" Napataas ang boses ko, halos mapangiwi sa sinabi niya. "Ano to, joke? Ayoko! Kahit pinag-iisipan mo pa yan, ayoko pa rin." Tumawa lang siya, pero seryoso ang tono ng boses niya nang magsalita ulit. "Kung ayaw mo, edi hindi ko bubuksan ang pinto. Sige, tayo na lang dito habang hinahayaan natin sila maghintay." Nanlaki ang mga mata ko, at halos hindi ako makapaniwala sa pagka-baliw niya. "Eros, pwedeng-pwede kitang saksakin ngayon kung gusto mo. Papasukin mo sila bago pa ako ma-stress lalo!" "Yun lang naman ang hinihingi ko," aniya habang hinilig ang likod sa pinto at tumingin sa akin na parang nanunukso. Pumikit ako, pilit na kinakalma ang sarili kahit gusto ko nang sabunutan ang buhok niya. "Fine! Okay! Payag ako sa one condition mo kung ano man yan. Buksan mo na 'yang pinto!" Ngumiti siya ng parang tagumpay na tagumpay, saka inabot ang lock ng pinto at binuksan ito. Agad na pumasok ang mga babaeng nasa labas, nagtilian at nagtakbuhan sa bawat cubicle. "Salamat, Eros," sarkastiko kong sabi bago ko siya tinignan ng masama. Pero sa halip na matakot o mahiya, tumawa lang siya at sumagot, "You're welcome, bebelabs." Umirap ako at lumabas ng CR. Tangina talaga. Anong pumasok sa utak ko at pumayag ako sa anong kondisyon ng siraulong 'to?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD