Chapter 24

2079 Words

Nette POV DALAWANG ARAW ang itinagal namin sa hacienda ni Mr. Leo at pagkabalik na pagkabalik sa Maynila ay ang hospital agad ang una kong pinuntahan. Tumawag si Doc Ismael kay Mr. Fifth at labis ang aking pag-aalala nang ibalita nitong muling dinugo si ate at isang araw na hindi nagising. Nanginginig ang kamay ko pagkaapak ng aking mga paa sa hospital. Ni hindi na ako nagpasama kay Mr. Fifth kahit na anong pilit niya dahil alam kong hindi makakabuti sa sitwasyon. Malalaki ang aking naging hakbang at kahit ang pagbati ng nurse ay hindi ko na nagawang pansinin. Ilang ulit akong nagdadasal na sana ay ayos lamang siya. Nang makarating sa pinto ng kanyang silid ay hindi ko na nagawang kumatok pa at agad na binuksan iyon at pumasok. Sumalubong sa akin ang nakakabinging katahimikan. Sinuri

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD