Almira's POV "Ms. Schalante. Pinapatawag ka sa Dean's Office." pukaw sa 'kin ni Mrs Cruz. Ang third subject namin. "Ha? Bakit daw po?" "I don't know... basta pinapatawag ka." Napatingin ako kay Jason then kay Evan na nginitian naman ako at tinanguan. Pumunta ako sa Dean's Office. "Pinapatawag mo daw po ako Sir?" tanong ko sa nakatalikod na lalaki sa loob ng Dean's Office. Umikot ang chair niya at nabigla ako nang namukhaan ko ang lalaki. Daddy? Bakit 'di man lang pumasok isip ko na si Daddy pala ang nakaupo sa Office na 'to. Aalis na sana ako kasi ano naman ang paguusapan namin? Hindi pa rin naalis ang sinabi niya sa 'kin Like duh. Wala man lang ba siyang naramdaman na lukso ng dugo sa akin? Tsss. "Don't go, please Almira... anak." Teka, tama ba ang narinig ko? O sadyang

