“Iniiwasan mo na naman ba ako, Aza?” bumagal ang lakad ko pagkarinig sa boses ni Pierce. “Ilang araw mo na akong hindi pinapansin. What’s wrong, baby? May nagawa ba akong mali na ikinagalit mo? Sabihin mo nang maitama ko.” He sounds like a baby. I feign ignorance and continued walking like I didn’t hear anything. Wala akong gana sa lahat kaya pagkatapos kong magtrabaho, lumiban na ako. Iniwan ko si Sheena na masayang nakikipagkuwentuhan sa bagong kasambahay. They were eating at the dining table when I left. Hindi ko nga nagawang magpaalam no'ng umalis ako. Mabait naman 'yong bago, ako lang 'tong wala sa mood. Ewan ko kung napansin ng babae'tang 'yon. Nandito ako ngayon sa hallway, papunta sa kwarto ko. Ni hindi ko man lang naramdaman na nakasunod pala si Pierce sa akin. Natigil ako sa

