Iniwasan ko siya sa paraang alam ko. Ayokong mag-iba ang pakitungo sa'kin ng iba kong kasama dahil lang sa may gusto sa'kin si Pierce. I don't want a special treatment from anyone. Lahat kami nagtatrabaho rito. To be fair, I avoided him. Hinayaan ko siyang alagaan ako sa araw na 'yon pero pinangako ko sa sarili ko na huli na 'yon. "Iniiwasan mo?" bungad ni Sheena pagkapasok sa aking kwarto. "Gano'n naba kahalata?" tanong ko habang nagtutupi ng damit. Umupo siya sa gilid ng kama at tumatangong sinilip ang mukha ko. "Para sa ikakatahimik ng mansyon. Ayokong pinag-uusapan. Ang sakit na sa ulo marinig ang bulong-bulungan ng mga katrabaho natin." "Hayaan mo na lang sila. Mga naiinggit lang 'yon sa'yo kasi ikaw 'yong nagustuhan ni Sir Pierce. Pero sang-ayon ako na iwasan mo muna siya. Kinak

