“Anong gagawin natin kung hindi magising si sir?” si Sheena na kanina pa pabalik-balik sa harap ko. Hilong-hilo na ako sa kanya. Nandito na ulit kami sa kusina pagkatapos namin pagtulungan akayin at ihatid si Pierce papasok sa kwarto niyang madilim pa sa impyerno. “Ikaw naman kasi, eh. Bakit mo inuntog? Nahimatay tuloy. Aliw na aliw pa naman ako sa inyo.” Kitang mo ‘tong babae’ng ‘to, imbes pahupain ang kabang nararamdaman ko, nang iinis pa. Akala mo talaga nag-aalala. Halatang-halata naman sa boses niya na tuwang-tuwa siya sa nangyari. Siya kaya sabihan ng gano’n? Ah, paniguradong matutuwa pa ‘yan, piste. Nakaupo lang ako rito pero sa totoo lang nanlalamig na ako sa kaba at takot. Panay kagat ako sa aking kuko kaka-overthink. I didn’t know na takot pala siya sa dugo. “Sheena, stop pac

