"Nagbibiro ka lang 'di ba? You're not serious?" I asked, a bit nervous. Malay ko bang pinagloloko lang pala niya ako. Bahagya akong nagulat at nahigit ang hininga nang bigla nitong ilapit ang mukha sa'kin. "Mukha ba akong nagbibiro?" seninyasan niya ako na maki-go with the flow. "K-Kiss and date?" pagk-klaro ko at baka sakaling ibahin pa niya. Masyado akong abala sa trabaho para makipagdate sa kanya. Kung siguro sa loob ng mansyon or dito lang sa labas, puwede pa pero kung sa ibang lugar, malabo atang payagan ako. Halos maduling na ako kakatitig sa mukha niya. Nanunuot sa ilong ko ang pabango niya. I could even smell his cherry menthol. "Oo, ayaw mo ba?" marunong din pala mag-baby talk ang isang 'to. Hindi halata, ha. "Kailan ba?" kusang lumabas sa aking bibig. I immediately covered

