Bahagya akong napaatras nang ilahad niya ang kamay sa'kin. Hindi ko alam kung tatanggapin ko ba 'yon o tatakbuhan na lang. Sinubukan ko siyang basahin ngunit nabigo ako. Wala akong makitang emosyon sa kanyang mga mata. Pero itong ikinilos niya, 'yon ang nabasa ko. Sa paraan kanina ng paglahad niya ng kamay, nahiwagaan ako. Ang hinhin ng datingan. Softie in other words. Parang hindi makabasag pinggan. Hind ko tuloy matukoy kung binabae ba o lalaki talaga. Kung naiintriga ako kanina malaman kung sino ang nagmamasid sa'kin, mas lalo akong naintriga ngayon kung bakla ba 'tong kaharap ko o ano. Ang masasabi ko lang ay napaka-misteryoso ng pagkatao niya. "Hindi mo ba tatanggapin ang kamay ko, Aza?" his voice, ang kalmado. Actually tinalo pa niya ang babae kung magsalita. Kinikilabutan ako,

