Simula

1224 Words
Kanina ko pa napapansin ang panakaw tingin sa akin ni nanay na hindi ko malaman-laman kung bakit. May dumi ba ako sa mukha? O baka nastarstuck lang sa ganda ko? Tingin ko palaisapan pa rin niya kung bakit pumayag ako na maging pamalit niya sa mansyon na iyon bilang isang kasambahay. Nagpakawala ako ng buntong hininga bago siya nilingon. “Nay, huwag niyo na pong problemahin ang magiging buhay ko sa mansyon ng mga Ruscov. Tiwala lang po kayo sa akin na kakayanin ko. Hindi naman kasi puwedeng manatili kayo ro’n, eh may edad na kayo. Hayaan mong ako naman ang magsilbe sa kanila.” Paninigurado ko sa kanya although hindi ko alam kung anong kahihinatnan ko doon. Pikit-mata siyang napabuga ng hangin na tila hirap na hirap siyang sang-ayunan ang sinabi ko. Bakit kaya ayaw niya? May mali ba sa pamilyang iyon? Eh bakit siya tumagal na nanilbehan doon kung meron? All throughout the years na pananatili niya ro’n, wala akong narinig na reklamo mula sa kanya. Hindi rin ako ng nakarinig ng issue tungkol sa kanila. Kilala ang pamilyang Ruscov sa Bukidnon dahil sa yaman at malawakang hacienda nila. They were also known for selling good flowers kasi may greenhouse sila sa backyard ng kanilang mansyon and beside pag-apak mo palang sa gate, unang bubungad sa’yo ang front yard nilang punong-puno ng iba’t-ibang bulaklak. “Anak, huwag mong kakalimutan ang sinabi ko sa’yo tungkol sa dalawang anak ng mga Ruscov lalo na ang bunso.” Paalala niya ulit. Nagsisimula na talaga akong ma-curious sa magkapatid na iyon lalo na iyong bunso. Wala ba namang palya ang pagre-remind niya sa akin. Ano kaya meron sa dalawa? Alam naman lahat ng mga taga rito na may anak na dalawang lalaki ang pamilyang iyon but it’s rare to see them in daylight. Minsan naiisip ko, hindi kaya bampira sila? Puro kasi mga nagtatrabaho ang nakikita doon. Iyong mga magulang naman nila, sabi ni nanay nasa ibang bansa raw so expected na iyong dalawa lang ang nanatili sa malaking mansyon aside sa mga kasambahay. Ewan, wala naman akong pakialam sa magkapatid, basta pagdating ko doon, focus lang sa trabaho, wala ng iba. “Opo, ‘nay. Pupunta lang naman ako ro’n para magtrabaho.” Sabi ko at ibinalin ang tingin sa binubungkal kong lupa para isalin sa pot na pagtataniman ko ng bulaklak. “Alam niyo naman pong hindi ako interesado sa lalaki.” Dagdag ko. “O siya at ihatid mo na itong bulaklak sa mansyon nang masilip mo naman at makilala ang mga magiging katrabaho mo. Hanapin mo si Lydia, ang taga pangalaga ng bahay. Inaasahan na niya ang pagpunta mo ngayon doon.” Nagtaka ako. Hindi ba nagbebenta sila ng bulaklak? Bakit dito pa sila kumukuha? Parang t4nga lang eh. Hindi na lang ako nagtanong at hinubad sa kamay ang suot kong gloves. Napatingin ako sa basket na nakalapag sa sahig na punong-puno ng bagong petas na bulaklak. Bago ko pa man mabitbit iyon, pareho kaming napatingin ni nanay sa may pintuan ng flower shop nang biglang bumukas iyon. Kumunot ang noo ko dahil hindi man lang nagawang kumatok ng taong pumasok. Where is the manner? “Hoy! May kamay ka naman siguro para kumatok ‘diba?” pagsusungit ko. Napatingin ako kay nanay nang bigla niya akong hawakan sa kamay. “Bigla-bigla kasing pumapasok nang hindi man lang kumakatok.” Ibinalik ko ang tingin sa lalaking nakatayo ngayon sa harap namin. Sa sinag ng araw na nagmumula sa pintuan, hindi ko makita ang mukha niya. “Sino ka? Anong kailangan mo sa amin?” hinarang ko ang sarili kay nanay at baka may gawin pang masama itong estrangerong lalaki. “Nandito po ako para sunduin ang maghahatid ng bulaklak sa mansyon.” Namilog ang bibig ko sa narinig. Puwede ko namang lakarin papunta sa mansyon, bakit kailangan sunduin? Arte ha! “Mahigpit pong ipinag-uutos iyon ng boss namin.” Napanganga ako. Bakit parang pupunta ako sa royal gathering when in fact maghahatid lang naman ako ng bulaklak doon. “Anak, sumama kana sa kanila. Tauhan sila ng pamilyang Ruscov.” Sambit ni nanay kaya nakahinga ako ng maluwag. Akala ko talaga ira-rob kami, eh ang liit ng kita nitong flower shop, good enough sa pang-araw-araw naming gastusin. Napataas ang kilay ko nang maglahad ang lalaki ng sobre at halos lumuwa ang mata ko no’ng marealize kong ang kapal no’n. “Our boss told me to give that to you.” Aniya habang nakayuko. Wala sa sariling tinaggap ko iyon. Tingin ko ay iyon iyong natitirang sahod ni nanay. “Maraming salamat, Nova.” Saad ni nanay saka ko ibinigay sa kanya iyong sobre. Hindi ko naman pinaghirapan kaya bakit ko kukunin? “Sa’yo iyan anak.” Napatanga ako. Hindi ko naman tinrabaho ‘to. Bakit ibinibigay niya sa akin? Pambili niya ‘to ng gamot. “Bumili ka ng bagong damit na mamahalin.” Marahas akong umiling at sapilitang ipinahawak iyon sa kanya. “Nay pinaghirapan niyo po iyan at pambili niyo rin ng gamot. Huwag niyo na po akong alalahanin. Bibili na lang po ako kapag may extra na.” Bumuntong-hininga siya habang nakatingala sa akin. Puro na kasi luma ang mga dress ko pero nasusuot pa naman kaya okay lang. Ako iyong tipong hindi mamateryal na babae, mas gusto kong i-save iyong pera for emergency kesa magwaldas para lang sa damit. Hindi naman ako kuripot pero minsan may mga hindi inaasahang pangyayari kaya mas mabuti na iyong handa. “Inipon ko iyon para sa’yo anak…” Ngumuso ako. “Nay, hindi na kailangan. Saka na kapag may asawa na ako para sa kanya ako magpaganda.” Biro ko na tinawanan namin pareho. Parehas kaming napatingin ni nanay sa lalaki nang tumikhim ito. “Our boss is waiting, Miss Aza.” Medyo nagulat ako sa part na alam niya pati nickname ko. For sure, alam na nila ang background ko since doon nagtatrabaho si nanay. Pero nagtaka ako sa sinabi niya. Ang ibig bang sabihin nito ay naghihintay sa kotse ang boss namin? Napatingin ako sa sarili. Bwesit, ngayon ko lang napansin na ang dumi pala ng damit ko. Kanina pa kasi ako dito no’ng umaga. Hindi pa ako nagtatanghalian. “Sumama kana sa kanila anak. Aasikasuhin ka naman ni Lydia doon.” Sambit ni nanay. Sinundan ko ng tingin si Nova no’ng maglakad siya palabas ng shop. Binitbit ko ang basket na nakalapag sa sahig at humalik sa pisngi ni nanay bago lumabas. Huminga ako nang malalim pagkalabas, pansin ang paninitig ng mga taong dumadaan. Ikaw ba naman ang sunduin na naka-limousine, sinong hindi magugulat? Pinagbuksan ako ng pinto ni Nova at napatitig sa lalaking naka-sideview. Nakasuot siya ng full black pajama mula ulo hanggang paa. I’m expecting pa naman na nakasuot siya ng business attired and it turned out na hindi pala. “Miss Aza, get inside.” Nova said full of authority. Dahan-dahan nanlaki ang mata ko nang lingunin ako ng lalaking nasa loob. “What are you standing?” he has a deep voice. Sino kaya siya sa dalawang magkapatid? Ang panganay o ang bunso? I was out of breath while looking at him. I never seen a man na ganito ka-ganda. He could be mistaken as a girl. “Ang ganda—” hindi ko natuloy ang sasabihin at napasinghap sa gulat sa sumunod na nangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD