Kabanata 22: Takot "CHEERS!" masayang nagtawanan sina Vivian sabay ng tunong ng nagbangaang mga bote ng beer na hawak hawak nila. "Kampai!" sigaw pa ni May na panay ang indak sa saliw ng malakas na tugtog na tila tambol sa dibdib ni Vivian. Hindi siya mahilig mag disco o magbar. Pero may kakaibang kasiyahang nadarama dahil pakiramdam niya ay malaya siya sa gabing 'yon. Sigurado siyang galit na galit na naman si James pero, bahala na gusto lang niyang magsaya at mag-enjoy. Tama si Freda, dapat mag-enjoy sila. May kung anong init ang bumangon sa kanyang dibdib dala ng kakaibang emosyong hindi niya maiwasan. Kaya napalunok siya. Ang malakas at maingay na tugtog ay tila gumigising sa kanyang boung pagkatao. Kinagat niya ang kanyang dila dala ng emosyong hindi niya maipaliwanag. Pero isa l

