Kabanata 8: I don't Love you NAPAHINTO si James sa pagbibihis ng biglang bumagsak si Vivian sa sofa. Sisinghalan sana niya ito ng makita niyang namutla ito at bigla na lang tila nauupos na kandilang bumasak sa sofa. "Damn it!" tarantang napalapit siya kay Vivian. At may kung anong sundot ng konsenya ang bigla na lang nanalakay sa kanyang pagkatao. "Bebang wake up!" pangigising niya nito. Pero umungol lang ito na tila hinang hina, dahilan para mapa-upo siya sa tabi nito. Ganun ba ito kapagod? Maaga silang nagbiyahe kanina dahil may pasok pa sila pareho. Tinulungan nga siya nito sa kotse kanina. Relieve naman siya nang muli umungol ito ng bahagya. Ipinagtaka niyang madaling mapagod si Vivian but it was the first time she look so pale na parang may sakit. "Pu--wede bang magpahinga muna. A

