Chapter 28 "Akala mo ba ay makakalimutan kong ninakawan mo ako ng halik kagabi? Parang gusto kong kunin sa 'yo ang ninakaw mo ngayon." Halos hindi naman makapagsalita si Vivoree dahil sa sinabi ni Roch. Mas ikinangiti pa nga ni Roch dahil mas lalong naging pula ang mukha ng dalaga. "W-wala akong matandaan," sagot ni Vivoree saka siya napalunok ng sarili niyang laway dahil sa pagkakangisi ni Roch sa kanya. "Gusto mo bang ipaalala ko sa 'yo ha Vivoree," nanlaki ang mata ni Vivoree ng marinig ang husky voice ni Roch. Dahil doon ay mabilis ang naging reaksyon ni Vivoree saka niya tinulak si Roch saka siya lumayo dito ng kaonti pero nilalapitan naman siya ni Roch. "A-ano ba?! May pupuntahan ba tayo o wala?" mas mas pinili na lang ni Vivoree na magsungit upang maitago ang kaba at pamumula n

