Note: Sa mga naghihintay po ng update at naguluhan dito dahil may paulit-ulit na chapter. Recommend ko po na basahin niyo po muna ang Chapter 42 to Chapter 49 bago niyo po basahin ang Chapter 50 na ito. Maraming salamat po sa paghihintay na maayos ko ang mga dating chapter ni Roch. Sana hanggang sa wakas ng kwento ni Roch ay nandito pa rin kayo. Maraming salamat po! ❤ Chapter 50 "Hoy Jun!" rinig na sigaw ni Jun sa kanya ng apat niyang kaklase na sina Lester, Prince, Gian, Dave. Tila kasali pa ang mga ito sa isang choir dahil sabay-sabay nilang tinawag ang pangalan ni Jun. "Hoy pulubi!" sigaw naman ng batang mataba na si Dave pero patuloy pa din sa paglalakad si Jun. Nangako na kasi si Jun sa ate niyang si Shasha na hindi na siya makikipag-away upang hindi na mapatawag sa eskwelahan nil

