Chapter 7
"Anong klase kang CEO? Mas late ka pa sa mga empleyado mo," iyon agad ang bungad sa kanya ng kanyang Lolo Rodolfo kahit na isang minuto lamang ang kanyang late. Pagdating kasi sa kanya ay sobrang higpit nito pagdating sa trabaho. Kumbaga bawat kilos na gagawin ni Roch ay nakabantay ito.
"I'm sorry Sir," nakayukong sabi ni Roch. Napapailing naman ang ama niyang si Leandro dahil hanggang ngayon ay ganito pa rin ang turing ng kanyang ama sa kanyang anak.
"Dad, huwag niyo naman po pagalitan si Roch. Isang minuto lang naman siyang late," depensa ni Leandro sa kanyang anak.
Kahit may katandaan na si Don Rodolfo Fajardo ay matikas pa rin ang kanyang pangangatawan. Kung ang ibang kasing edad niyang nasa seventy five years old ay kinakailangan na mg tungkod kapag naglalakad ay iba si Don Rodolfo. Tuwid pa din itong maglakad na mag-isa. Ayaw niya rin na may umaalalay sa kanya. Kahit may kaonti ng kulubot sa kanyang mukha ay makikita pa din ang kakisigan nito na may pinaghalong mukhang masungit. Isa pa ang matangos nitong ilong at kaputian. Simula binata pa lang si Don Rodolfo ay malinis at maalaga na siya sa kanyang katawan kaya naman kahit ngayon na matanda na siya ay malakas pa din ito sa kalabaw. Hindi alintana sa mga tao ang kalupitan at pagiging strikto ni Don Rodolfo lalo na pagdating sa kanilang mga negosyo kaya naman marami ang natatakot sa kanya. Gayunpaman ay madami rin ang humahanga sa kanya dahil madami siyang napalagong negosyo na ngayon ay ipinaman na niya sa kanyang mga anak at ipapamana naman nila iyon sa anak nila na apo ni Don Rodolfo.
Isa na nga itong Fajardo Automotive Group Inc., isa ito sa mga pangunahing negosyo ng mga Fajardo kaya naman ganun na lang ang tutol noon niya ng sabihin ni Leandro sa kanya na nais niya itong ipamana kay Roch na kahit isang patak ng dugong Fajardo ay wala ito. Ngunit kilala niya si Leandro, ayaw ja niyang maulit ang nakaraan kaya naman wala siyang nagawa kundi ang pumayag. Ayaw naman niyang mawala sa kanya ang panganay niyang anak ulit sa kanya katulad dati. Kaya naman ganito niya bantayan si Roch pagdating sa business nila.
"Kaya lumalaki ang ulo ng bastardong iyan dahil lagi mong kinakampihan. Ipapaalala ko lang sa 'yo hindi mo siya anak. Si Thalia dapat ang tina-training mo pagdating sa mga negosyo natin. Siya ang karapat-dapat dahil tunay siyang Fajardo!" napakuyom naman si Leandro ng kanyang kamay dahil sa sinabi ng kanyang ama.
Hindi niya gusto na pinagsasalitaan ng ganun ang kanyang anak. Para sa kanya ay anak niyang tunay si Roch, siya lang ang ama nito wala ng iba pa. Kaya naman siya ang unang nasasaktan sa tuwing sinasabi ng iba lalo na ng kanyang ama na hindi naman niya tunay na anak si Roch. Para kay Leandro ay sina Jasmin, Roch at Thalia ang pinakamagandang nangyari sa kanyang buhay. Kaya hindi niya hahayaan na may magsabi ng ganun, kahit pa ang kanyang sariling ama.
Sanay naman na si Roch na marinig na hindi siya totoong Fajardo ngunit nasasaktan pa din siya lalo na kung si Don Rodolfo ang nagsasabi nun sa kanya. Wala naman ibang hinangad si Roch na sana tanggapin na siya ng kanuang Lolo bilang isang apo, hindi lang basta isang walang kwentang bastardo.
"Dad! Sumusobra na po talaga kayo! Anak ko si Roch. Ako lang ang kanyang ama. Dapat alam niyo ang pakiramdam na ito dahil isa rin kayong ama. Bakit hindi ba kayo nagkamali? Hindi ba meron din naman akong kapatid sa labas? Tinanggap ko iyon ng buo. Minahal ko sila kahit na nakikita kong nasasaktan si Mom ng mga oras na iyon! Pero bakit napakalupit ninyo?" dahil sa sinabi ng kanyang anak na si Leandro ay napakuyom ng kanyang kamao si Don Rodolfo. Natamaan ito sa mga sinabi ng kanyang panganay na anak.
Kagaya ng iba ay hindi rin naman isang perpektong tao si Don Rodolfo. Nagkakaroon din siya ng pagkakamali at hindi lang naman niya iyon ginawa ng isang beses kundi madaming beses. Kaya nga mas pinili na lang magpakamatay ng ina ni Leandro dahil sa paulit-ulit na pananakit nito sa kanya ni Don Rodolfo. Hindi nga siya binubugbog ni Don Rodolfo physical pero lagi naman siya nitong sinasaksak sa puso ng paulit-ulit. Kaya naman maaga ring naulila si Leandro sa ina.
"Papa, tama na po. Huwag niyong pagsalitaan si Sir Rodolfo ng ganyan. T-tama naman po ang mga sinasabi niya," nakayukong sabi ni Roch sa kanyang papa. Ayaw na niyang mag-away muli ang mag-ama nang dahil nanaman sa kanya.
"Roch," mahinang banggit ni Leandro sa ngalan ng kanyang anak.
"Ipinapangako ko po sa inyo Sir Rodolfo na makukuha ko ang deal mula sa Jarexx Group. Tayo ang hahawak ng malaking project na iyon," sabi ni Roch habang nakatingin sa mga mata ni Don Rodolfo at bahagya pang nakataas ang noo nito para sabihin sa kanyang Lolo Rodolfo na siya na ang bahala at kailangan nitong magtiwala sa kanya.
Bahagya pa nga nagulat si Don Rodolfo sa mga kislap ng mata ni Roch, mga matang puno ng determinasyon pero hindi niya iyon ipinahalata sa kaharap niyang dalawa. Nais nang umalis ni Don Rodolfo sa opisina ng kanyang anak kaya tumalikod na ito at hahakbang ngunit muling nagsalita si Roch na kanyang ikinatigil ngunit hindi siya humarap dito.
"Kung ito ang paraan para matanggap niyo na ako bilang apo. Kahit ano pang humarang sa harapan ko babanggain ko. At kung haharangan niyo din ako para makuha ang deal na ito, hindi ako mag-aatubiling banggain din kayo," matapang na sabi ni Roch na siyang ikinangisi ni Don Rodolfo pagkatapos ay lumabas na siya.
Muli nanaman niyang naalala ang mga matang puno ng determinasyon ni Roch kaya napahawak siya sa kanyang ulo dahil may naaalala siya doon, ang kanyang sarili. Ganitong-ganito siya tratuhin ng kanyang ama. Siya ang tunay na Fajardo ngunit mas pinapaboran pa nito ang kanyang ampon. Minamaliit nito ang kanyang kakayahan kaya naman ginawa niya ang lahat para mapansin din siya ng kanyang ama kahit pa ang kapalit nito ay ang kanyang kaligayahan. Natatakot din noon si Don Rodolfo na baka sa kapatid niyang ampon ipamana ang kanilang kayamanan. Kaya naging sunod-sunod siya sa lahat ng utos ng kanyang ama. Maging sa kanyang aasawahin. Nag-aral din siya ng nag-aral patungkol sa negosyo nila. At hanggang sa nakuha na niya ang kanyang gusto. Siya ang nagmana ng lahat ng ari-arian ng kanyang ama.
Ngunit kahit nakuha na niya ang mga inaasam ay pakiramdam niya na hindi siya masaya, na may kulang. Hanggang sa nakita niya ang kanyang ama at ang kapatid niya na masayang nagkwekwentuhan habang nag-pipicnic sa kanilang bakuran ng mansion. Matanda na ng mga oras na iyon ang kanilang ama at napapatanong siya sa kanyang sarili kung tumawa na ba sa kanyang harapan ang ama na siya ang dahilan?
Hindi dahil sa tuwing kinakausap siya ng kanyang ama ay sa iba ang atensyon nito sa kapatid niyang tinatawag niyang ampon, dahil naiinis ito sa tuwing nakikita.
Nagkasabay na ba silang kumain sa hapagkainan? Hindi, dahil sa hindi siya sumasabay sa mga ito dahil kasama ang kapatid niya kahit na nakikiusap sa kanya ang ama ay hindi pa rin ito sumasalo sa kanila.
Nakapag-bonding na ba silang dalawa?
Hindi, dahil mas pinipili na lang ni Rodolfo noon na mag-aral ng mag-aral kesa sumama sa kanyang ama. Kaya naman ang kapatid na lang nito ang nakakasama ng kanyang ama.
Madaming bagay pa silang hindi nagagawa na magkasama. Kung kailan naman hihingi ng kapatawaran si Rodolfo, kung kailan tanggap na niya ang kanyang mga kamalian ay saka naman ito nabawian ng buhay at sa mga huling sandali ng kanyang ama ay ang kapatid nanaman nito ang kanyang kasama. Kaya simula noon mas lalong naging matigas ang kanyang puso.
Muli namang bumalik sa kasalukuyan ang diwa nibDon Rodolfo at muling nanumbalik sa kanyang alaala ng mata ni Roch. Ganun na ganun ang mga mata niya noon. Ang pinagkaibahan nga lang nilang dalawa ay mas matindi ang determinasyon ni Roch kaya nga minsan ayaw nitong tumingin sa mata ng binata. Mayroon ding taglay na pagmamahal sa pamilya ang anak ni Leandro. At ginagawa niya ito hindi para sa kanyang sarili kundi sa mga taong minamahal niya bagay na mali ang pagkakaintindi ni Don Rodolfo noong nasa edad rin siya ni Roch at huli na niya ito matuklasan.
Bilib din naman si Don Rodolfo kay Roch dahil napansin niya simula ng ang binata ang umupo sa pwesto ay mas lalong tumaas ang sales ng kanilang negosyo at mas dumami ang mga gustong maka-business partner ito maging sa labas ng ibang bansa. Nakita rin naman niya ang potential na nakikita ni Leandro kay Roch. Iyon nga lang ay nandoon pa din ang pride ni Don Rodolfo, may parte sa kanya na gusto niyang tanggapin si Roch kahit noon pang bata ito ngunit may parte din sa kanya na ayaw niya dahil naaalala niya ang kanyang sarili kay Roch bagay na kinaiinisan niya dahil nakikita nga niya ang sarili sa binata ngunit taglay naman nito ang mga katangian na wala siya noon. Isa pa nandoon din ang pride na hindi naman talaga isang Fajardo si Roch.
"Anong sabi niya? Gusto niyang tanggapin ko siya bilang apo ngunit kung humarang ako sa daraanan niya ay babanggain din niya ako?" natatawang sabi ni Don Rodolfo habang nakasakay sa kanyang sasakyan. Napapatingin tuloy sa kanya ang kanyang bodyguard mula sa salamin ng sasakyan na tumatawa mag-isa. "Nababaliw na siya!"
Tumatawa siya dahil talaga namang naaaliw siya kay Roch kahit noon pang bata ito. Ngunit nililimitahan niya ang sarili na mapalapit kay Roch kahit noon pa. Naguguluhan nga sa kanya ang isa niyang apo na si Hunter na kanyang pinagkakatiwalaan sa bagay na ito. Aminado rin naman si Don Rodolfo na nakuha ni Roch ang ugali ng isang Fajardo kaya mas lalo itong bumilib sa kanya --- yun nga lang...
"Sana kapag natanggap na kita, sana hindi pa maging huli ang lahat."
---