Chapter 26 Muli nanaman silang nagtawanan na dalawa dahil muli nanaman silang nagkasabay sa pagtawag sa isa't isa. "Sige na pumasok ka na sa loob. Aalis na talaga ako," nakangiting wika ni Roch kay Vivoree at si Vivoree naman ay napangiti sa kanyang sinabi. Muli ay tumalikod si Roch para umalis na doon dahil baka kapag hindi pa siya umalis ay baka hilahin na niya papasok sa kanyang villa si Vivoree. Ngunit hindi pa nakakaalis si Roch nang marinig niya na tinawag siyang muli ni Vivoree at bahagya pa itong nagulat dahil sa kanyang paglingon ay nasa likuran na niya si Vivoree. "Roch," kitang-kita pa din ni Roch ang pamumula ng mukha ni Vivoree at pamumungay ng kanyang mata dahil sa kalasingan. Napalunok naman si Roch ng kanyang sariling laway dahil ang lapit muli ng kanilang mukha. Napap

