Chapter 36 Unti-unti nagising sa sinag ng araw si Vivoree na tumatama sa kanyang mukha. Napakagat siya ng labi dahil nang bahagya siyang gumalaw ay may naramdaman siyang kirot sa kanyang p********e. Saka niya naalala ang paulit-ulit na ginawa nilang dalawa ni Roch hanggang sa magmadaling araw na siyang nagpapula ng kanyang mukha. Hanggang ngayon ay natutulog pa din si Roch sa kanyang tabi. Sa tuwing naaalala niya kung paano siya angkinin nito kagabi ay nag-iinit agad ang kanyang katawan. Napatingin si Vivoree sa kamao ni Roch at napakunot ang noo niya. Nagtataka siya dahil hindi man lang niya napansin ang sugat nito kagabi. Kahit masakit ang katawan ni Vivoree ay pinilit niyang tumayo, dahan-dahan upang hindi magising agad si Roch. "Dahan-dahan lang Vivoree. Napagod si Roch kagabi sa 'y

