”Miguel, gumising ka na. Halika na rito. Mag-agahan na tayo." Rinig kong tawag sa akin ni Mama mula sa labas ng kwarto ko. Sa totoo lang, kanina pa ako gising. Ni hindi nga ata ako nakatulog kagabi dahil sa pag-iyak ko. Dalawang araw ko ng hindi pinapansin ang Kuya Nelson ko dahil sa sinabi nito sa akin. Ako lang pala sa pamilya ang hindi nakakaalam na ikakasal na ito. Nilihim niya sa akin ang totoo dahil alam niyang masasaktan ako. At ito na nga ang nangyayari ngayon. Kaya din siya umuwi nang biglaan ay dahil aayusin nila ng mapapangasawa niya ang kanilang kasal. At dito nila balak sa Pilipinas na gawin iyon. Sobra akong nasasaktan ngayon. Akala ko ay pang habang buhay ng hindi magkakaroon ng nobyo ang Kuya ko. Akala ko'y masaya na siya sa ginagawa namin. Kunsabagay, hindi ko rin nama

