Nagpadala ng mensahe si Kaiden kay William Mavez gamit ang cellphone ni Axel. Sinabi niya dito kung saan sila magkikita ngayong gabi. At pagkatapos niyang ipadala ang mensahe na iyon ay kaagad na silang naghanda ni Roman para sa pagharap nila dito. At habang naghahanda naman sila ni Roman ay patuloy pa rin ang pangungulit ni Amiera sa kanya na gusto nitong sumama sa kanila. Na siyang paulit-ulit naman niyang tinatanggihan. “Mas makakabuti kung mananatili ka na lang muna dito. Bantayan mo na lamang si Axel dahil hindi natin alam kung ano ang pwede niyang gawin. Pwede siyang tumakas at magbago ang isip. Pwede din na muli niyang pagtangkaan ang sariling buhay,” saad niya kay Amiera. “Pero, Kaiden—” “Makinig ka na lamang, Amiera. Tama si Kaiden,” sabat ni Roman sa kanila. Nang matapos na

