Chapter 18: I'm afraid Stelian Pinahintay ako ni Stelian sa blood bank dahil siya lang daw ang maaaring pumasok. Kahit na curious ako ay sinunod ko nalang siya. Nakaupo lang ako sa bench sa harap ng building. May mga kanong dumadaan sa harap ko, ang iba tumitingin sa akin. Mayroon ding iilan na parang walang pakialam sa paligid. Sobrang ginaw na rin sa paligid so I started rubbing my two palms just to produce heat on it. Halos twenty minutes nang nasa loob si Stelian pero hindi pa ito lumalabas. Hindi pa naman ako nakaramdam ng kaba dahil medyo safe itong Seattle. May napansin akong isang kano na papalapit sa akin. Nakatingin ito sa aking gawi kaya medyo kinabahan ako. Hindi naman ito mukhang criminal o masamang tao. "Hi, are you waiting for someone?" Nakangiting tanong niy

