Chapter 31: He's human Sa paglipas pa ng mga araw ay sobrang dami nang naganap sa aking buhay. Una mas lalo ko pang natutunan ang aking kakayahan. Pangalawa mas nagiging malapit ang loob ko sa tatlong bata. Pangatlo mukhang dumagdag pa si Daxos dahil kahit saan ako magpunta ay sumasama na rin siya. At pang-apat habang tumatagal ay mas lalo akong nangungulila kay Stelian. Walang oras na nagdaan na hindi ko siya naiisip. Paano kaya kung hanapin ko siya sa America? Pupuntahan ko siya baka buhay pa si Stelian. Ngunit saan ako magsisimula? Ni wala akong alam sa lugar roon! At hindi ko rin puwedeng iwan ang mga bata rito para lang unahin ang pansarili kong kagustuhan. "Ate Alex." Lumapit si Trevos sa akin. Kasalukuyan akong nasa tuktok ng kastilyo. Nakaharap sa mga ulap. Sa paraang iyon a

