Chapter 24: The Three Princes Habang tinutugis nila Velorina ang hukbo nina Leon ay nakaramdamn siya ng pananakit ng kanyang ulo. Agaran siyang napahinto ay napahawak sa kanyang sentido. May kung anong nangyayaring masama sa kanyang katawan na hindi niya maipaliwanag! "Ayos ka lang ba, Velorina?" Nag-aalalang tanong ng kanyang kapatid. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at pilit na sinusuri ko ang ano nga ba ang nangyayari sa kanya. "Nagbalik na si Alexandra, hindi ito maaari." Dagdag at galit na wika ni Veronica. Nanlilisik ang mga mata. Nakaramdam siya ng kung anong takot sa sinabi ng kapatid. "Bakit mo alam?" Tanong niya. Kung ganoon ay hindi na siya ligtas pa kung sakaling tuluyang nakabalik si Alexandra? Ngunit paano niya iyon nagawa? Naikulong na nila ang babae sa ku

