Chapter 20: Alexandra Dahan-dahan kong inimulat ang aking dalawang mata. Mabilis akong napabangon nang may dalawang babae sa aking harapan. "Sino kayo?" Tanong ko sa dalawang babae na nakikita ko ngayon. Nakakatawa lang dahil ang linaw ng aking paningin. Kahit maliit na pinakamiliit na bagay ay parang nagso-zoom in sa aking paningin. Magkahawak kamay silang dalawa habang pinagmamasdan ako. Pareho silang nakaitim ng suot at sobrang pula ng kanilang mga mata. Agad kong nakilala kung anong klase silang nilalang. Bampira! Nararamdaman kong may kakaiba silang lakas at nagbibigay bigat iyon sa aking katawan. "Velorina." Sambit nang isang babae. Mas matangkad ito kaysa sa isa. Ngunit kung ganda ang pagbabasihan ay parehong mahanda silang dalawa. "Veronica, kapatid ko." Agad

