Chapter 47: Buhay ni Lunos Isang kadakilaan ang nagawa nina Alex na kailanman hindi malilimutan kanino man dahil nakasulat na iyon sa kasaysayan. Isang kadakilaang kailan man hindi mabubura. Isang kadakilaang hindi maputol-putol dahil ito'y ipagpapatuloy! Labis ang lungkot at galit ang naramdaman ng mga diwata sa ginawa ni Lunos. Buong tapang nilang hinarap ang lalaki kahit buhay din nila ang siyang kapalit. Kung nagawa ni Lunos at ang kanyang mga kapanalig na patayin ang mga maharlikang bampira ay mas lalong madali silang mapapatay ng mga ito. Pinangunahan ni Amari ang labanan. Isa laban sa kanila ngunit isa parin iyong lubhang mapanganib. Kahit na hindi nakikialam ang ibang athapos at bampira ay isa pa rin iyong nakakatakot na hakbang ng mga diwata Nagawa ni Lunos na kalabanin sila

