Chapter 33: Stelian "Aries!" Sigaw ko, "ikaw ba 'yan?" Palingon-lingon ako ngunit di ko siya makita. "Buksan mo ang iyong puso Alex, hindi mo ako makikita kung mata mo ang iyong ginagamit." Utos niya sa akin. May kung anong saya ako naalala ko ang sinabi sa akin ng tatlong anak niya noon pabalik palang kami sa aming mga katawan. Hindi mo talaga maaalis sa isang magkadugo na may pagkapareho minsan. "Sige Aries." Sinunod ko siya. Ipinikit ko ang aking mga mata at pilit na pinapakiramdam ang loob ko. Nararamdaman ko na ang tinitibok ng aking puso. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ngunit nanatili lang akong ganoon. Habang nanatili lang ako sa aking ginawa ay parang may nararamdaman na ako. Ito na 'yon. Ganito ang pakiramdam ko nang dinala ako ni Aries sa loob ng kuweba. Ilan

