Chapter 15: Together Hindi ko alam kung tama bang sumigaw ako dahil napahinto ang mga bampira at napatingin sila sa akin. Mabilis na naglaho si Stelian at napunta siya sa harap namin ni Amanda. "Why?" Nag-aalala nitong tanong. "Tinatanong mo pa kung bakit? Magpapakamatay ka ba?" Bulyaw ko sa kanya. Aatakehin na yata ako nito sa puso. "Paano nalang kung mapapahamak siya? Sino nalang ang magpo-protekta sa akin?" Kumunot ang noo nito at tila hindi ako naiintindihan, "anong magpapakamatay? I don't get you." "Kasi nga ginamitan ka nila ng kapangyarihan. Akala siguro ni Alex ay papatayin ka nila." Sabat ni Amanda. Iyong nga ang ibig kong sabihin. Marami kaming umaasa sa kanya lalo pa't siya lang ang makapangyarihan dito. Ngumiti si Stelian at napatitig siya sa akin, "h

