ALICE "Good job, guys! Pwede na kayong pumunta sa next station nasa may clinic iyon," sambit ni Kuya Cygie na nakaturo sa kanan. "Thanks, po." Rinig kong sabi ni Kim. Hindi ko alam kung gaano karaming oras na ang ginugol namin sa mga laro. Pero nagsimula kami ng 1:30 pm, at 2:39 pm na ngayon. It seems the previous stations was not as easy as they look like. Sa wakas ay nasa huling station na rin kami. "Last na ba 'to?" hingal na hingal na tanong ni Dyna sa kasama naming lalaki. Umiling-iling lang ang lalaki tapos sumagot ng, "Hindi ako sigurado. Last na ba 'to, pre?" tinanong ng lalaki si Nathan na nasa unahan niya lang. "Oo last na 'to." "Hello. Hello! Welcome to the Great Wall of China!" masiglang bati sa amin ng babaeng may hawak ng manila paper. "I am Ate Sheen, your mode

