ALICE Isa na namang abalang araw para sa 17-year-old na ako. Hindi kagaya noong nauna ay natandaan ko na may lakad ako ngayon at mabilis na kumilos para makarating ng maaga sa eskwelahan. Pero nakalimutan ko na may mga araw na mabagal kumilos si Mike. There are only two reasons for it. Una, kapag nakalimutan niya na may lakad siya. At pangalawa, kapag masyado siyang ginanahan sa paglalaro ng online games sa gabi at inabot na ng madaling araw. I don't know which reason is it today, but he is surely taking his time. Nakaupo ako sa karinderya na nasa harap lang ng university. Kakaiba sa pakiramdam ang makita ulit ang lugar na ito. Ang itim na pintura ng matayog na gate, at ang mga bulaklak na nakapalibot sa labas nito. "I miss the view but not the feeling anymore," bulong ko sa sarili ha

