ALICE I begin to feel my regret when Mike and I were inside the ostriches' den. Simula nang pumasok kami sa zoo ay puro paglalakad lang ang ginawa namin. Niisang beses ay hindi man lang ako nakaupo. At nang nakaramdam ako ng hapdi sa dulo ng tour ay pinabayaan ko na lang ito. I thought that I could last since patapos na rin naman ang tour, food court and the animal show na lang ang kulang. Pero kung mamalasin nga naman, ito pa ang nangyari sa akin. "Ah," mahina kong bulalas noong sumakit pa lalo ang bukong-bukong ko sanhi para mahinto ang paglalakad ko. "What's wrong?" tanong ni Mike nang marinig ang mahina kong aray. "Ah..." I took the chance para silipin ang bukong-bukong ko, only to see it in a bad condition. "W-Wala," sagot ko tapos ay naglakad na ulit para sumunod sa tour guid

