ALICE "Ally... Alice! Alice? Can... me, Ally?... you hear me, Alice?" Isang pamilyar na boses ang narinig ko pero hindi ko makita kung kanino galing ito dahil malabo pa rin ang aking paningin at natatakpan pa rin ng tubig ang aking pandinig. "... pagbabalik sa iyong panahon," Umalingawngaw ang huling mga salita ni Margo sa pandinig ko. Kasabay ng paglaho ng boses ni Margo ay ang malamig na pakiramdam. Ang kaninang tila tubig na pakiramdam ay mistulang nagkatotoo dahil sa basa kong mga damit. "Alice! Alice! Hoy, Alice!" Malakas na boses at ilang libong tunog ng yabag ng mga paa ang narinig ko. Dahil malabo pa ang mga mata ko ay pinili ko na lang itong ipikit at tanging mga boses at tunog lang sa paligid ang nagsisilbing gabay ko sa pag-uusisa kung nasaan na ako. At sa tingin ko

