ALICE "And tonight's female head turner is... Cassandra Clare Lonzaga!" Nagsihiyawan ang magbabarkada na sa hallway nakatambay habang tinutulak nila ang barkada nilang babae na sa palagay ko ay si Cassandra Clare Lonzaga. Patapos na ang party, alas nuwebe na ng gabi at ina-announce na ang mga sinasabing head turners. Iyung Cassandra at isang Marco ang mga nanalo. Hindi naman masyadong bongga ang premyo, may libre lang silang lunch sa canteen ng tatlong araw. Sponsored by the TLE students. But I bet, the most anticipated part of being the head turner of the night is the spotlight and the recognition. May ilang minuto sila kung saan kanila ang stage at sa kanila nakatuon ang atensyon ng lahat. I wouldn't want that. "Hmp! Mas maganda ka naman kaysa sa Cassandra na 'yan, Alice," pagmam

