ALICE Gobyerno at negosyo. Kahit na sabihin ko na may advantage ang trabaho ng pamilya ko ay hindi pa rin mawawala ang katotohanan na mayayaman sila. It's silly of me to think even for a second na magiging kapaki-pakinabang ang pamilya ko sa kanila kapag kami ang nagkatuluyan ni Mike. Nasa gitna pa kami ng pag-uusap ni Mrs. Cruz nang biglang dumating si Ana sa lamesa namin. "Hi, Tita. Hi, Mamita," aniya sa mommy at lola ni Mike sabay beso-beso sa kanila. "Oh, hi Alice!" Nasa likod siya ng upuan ng mommy at lola ni Mike na kaharap ko kaya kumaway lang ako sa kanya. "You're beautiful tonight," dagdag niyang bati sa akin. "Ikaw rin, you look elegant with your emerald green gown," tugon ko naman sa kanya na walang halong kaplastikan. Totoo naman din talaga na bagay sa kanya ang suot n

