ALICE Sabado ng gabi nang nakahiga lang ako sa kama, napagod kasi ako sa halos buong araw na paglilinis ng bakuran at pag-aasikaso sa mga bisita ni Kuya sa bahay. Tapos na ang lahat ng gawain at oras na para magpahinga. Kinuha ko ang cellphone kong nakatago sa drawer ng maliit na lamesang nasa gilid ng kama ko. At kagaya ng nakaugalian ay oras na rin ito ng social media. Although, I want to chat Mike and ask him how he’s been doing, yet I don't want to disturb him since he is still on the way back to the city from the kid's camp. Isang linggo na kasi ang nakalipas simula noong nagpaalam siya sa akin. I was browsing on my i********: when I remembered to check Mike's profile. Pero bago ko pa man ito nagawa ay nag-reload na ang news feed ko at biglang lumitaw ang recent post ni Mike. At fi

