ALICE "Anong oras ka uuwi mamaya?" sabi sa akin ni Eric na nasa kabilang linya ng cellphone. "Kabababa ko nga lang sa kotse mo tumawag ka na kaagad? Don't worry, I'll be there just in time," sagot ko naman tapos ay ibinaba na kaagad ang tawag. Alas dose ng hapon nang umalis kami ni Eric sa bahay para pumunta sa kanya-kanya naming lakad. Saglit niya lang akong inihatid sa bahay ng kapatid ko na si Kuya Allen tapos ay umalis na rin kaagad. But he called me right after I lost sight of his car. "Tati!" bungisngis na tawag ng dalawa kong cute na cute na mga pamangkin nang makita nila ako sa labas ng gate nila. Binuksan ko ng kaunti ang gate at pasimple na pumasok para maiwasan na lumabas sila. Kalsada na kasi kaagad ang nasa harap ng gate ng bahay ni Kuya Allen kaya napakadelikado para

